ILOCOS SUR – Patay ang isang barangay tanod nang pagbabarilin habang natutulog sa Barangay Sapriana, Sinait dito sa lalawigan, nitong Linggo ng madaling araw.
Kinilala ang biktima na si Jenny Sarte , 55 anyos, may asawa, residente ng naturang lugar.
Sa ulat, nasa Tanod outpost ang biktima kasama ang iba pang tanod na naka-duty. Nakahiga at natutulog si Sarte sa kanyang duyan nang lapitan ng nakamaskarang salarin at binaril ito ng ilang beses.
Dead-on-the spot ang biktima dahil sa mga tinamo tama ng bala sa mukha at katawan mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril. Agad na tumakas ang salarin matapos ang insidente.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.
The post Bgy. Tanod binoga-patay habang tulog appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: