BUMALIK ng Pilipinas ang eroplanong sinakyan ni Senador Manny Pacquiao patungong Amerika ilang oras pagka-takeoff nito sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa pasaherong may sakit nitong Linggo ng tanghali. Pero kaagad kaagad ding nakabiyahe ang boksingero 2:00 ng hapon patungong Los Angeles.
Ito’y matapos mag-emergency landing sa Haneda Airport sa Japan ang unang eroplano na sinakyan ni Pacquiao, limang oras mula nang mag-take off sa NAIA.
Sa ulat, isang diabetic na lalaking pasahero ang biglang ininda ang kanyang problema sa kalusugan dahilan para magsagawa ng emergency landing ang eroplano.
Si Pacquiao ay papuntang sa Los Angeles para sa kanyang training camp bilang paghahanda sa laban kontra IBF/WBC welterweight champion Errol Spence Jr. sa August 21 sa Las Vegas (August 22 Manila time).
Isa ang Pinoy ring icon sa 186 pasaherong sakay ng Boeing 777 aircraft na bumalik sa NAIA 1:40 ng umaga.
Ayon kay coach Buboy Fernandez, nasa 80% na ang kondisyon ni Pacquiao na maganda ang naging training sa Wild Card Gym sa General Santos City.
Pagdating sa Amerika, doon ipagpapatuloy ang training kasama si coach Freddie Roach. (Jojo Sadiwa)
The post PAL flight lulan si Pacquiao nag-emergency landing sa Japan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: