KILALA na sa pag-iimbentro ng black propaganda laban sa mga katunggali, ibinuking ni Senator Christopher “Bong” Go si dating Senator Antonio Trillanes IV na gumagawa na naman ng ‘dirty tactics’ dahil malapit na naman ang eleksyon.
“Alam nyo po, si Trillanes po ang totoong Bikoy… napatunayan naman natin na papunta na po sa eleksyon, lilitaw na itong si Trillanes at pipinturahan niya ng dumi… pipinturahan niya kami ng itim para po siya magmukhang puti at magmukhang malinis,” ayon kay Go.
“Pero hubaran nyo po… ang kaniyang kaluluwa, doon nyo po makikita iyong dumi ng isang Sonny Boy alyas Bikoy Trillanes. Siya po yun, so ano pa ba ang bago? Pag lumitaw si Trillanes tuwing eleksyon, iyan na po, iyan ay paninira lamang,” idinagdag niya.
Tinukoy ni Go ang Bikoy videos na nagsasangkot sa pamilya ni Pangulong Duterte sa sindikato ng droga.
Si Trillanes, kasama ng 11 pa ay kinasuhan ng Department of Justice ng “conspiracy to commit sedition” kaugnay ng nasabing mga video.
“Wala na pong bago diyan — paninira, imbento at wala na po siyang ibang masabi kundi puro po fabricated. Eh sa totoo lang po, magtanong na lang kayo kung sino iyong totoong korap, noon pa hanggang ngayon, hayaan na po natin ang Pilipino na humusga,” sabi ni Go.
Sinabi niya na ang smear campaign ni Trillanes noong 2019 polls laban sa kanya ay nag-backfire lamang sa dating senador nang mahalal pa siya sa Senado.
“Anong nangyari sa paninira mo (Trillanes)? Kita mo naging senador pa nga ako. Baka sa susunod mong paninira, hindi ko alam anong susunod na naman… Ginawa mo akong senador noon sa paninira mo,” ani Go.
Ayon sa senador, dapat ay mag-ingat na ang mga Filipino sa mga ginagawang maruming taktika ni Trillanes.
“Hayaan na natin ang Pilipinong humusga kung sinong nagsasabi ng totoo. Alam ng Pilipino, malinis po ang saloobin (namin ni Pangulong Duterte) at alam ng Pilipino kung sinong maduming budhi,” ayon kay Go.
Tiniyak ni Go na sila ni Pangulong Duterte ay hindi tumitigil upang masugpo ang mga katiwalian sa pamahalaan.
“Alam naman ni Trillanes na hindi kami titigil ni Pangulong Duterte hanggang sa huling araw ng aming termino ay lalabanan namin ang korapsyon sa gobyerno. Ako po, five years na ako nasa (national) gobyerno diyan sa Maynila, di po kami pumapasok sa korapsyon. Kung meron pong makakapagpatunay niyan ay aalis ho kami sa gobyerno,” ang hamon ng senador.
Hinimok niya ang mga Filipino na lumapit lamang sa kanya at sa Pangulo kung may nalalaman na anomalya at agad nila itong aaksyonan upang mabuwag.
“Magtiwala po kayo kay Pangulong Duterte, isumbong nyo po sa amin. Eh kung di nyo po isusumbong, di nyo po kami tinutulungan, paano po natin susugpuin ang korapsyon,” anang senador.
The post Biglang lumitaw para mangwasak MOTIBO NI TRILLANES SA 2022, IBINUKING NI BONG GO appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: