TUWING sasapit ang halalan ay bukambibig ng mga politiko ang layuning buwagin ang kurapsiyon sa gobyerno subalit kapag nahalal naman ay kontra sa pagbuwag o pag-amiyenda ng BANK SECRECY ACT para sa hanay ng GOVERNMENT OFFICIALS.
Noong kumakampanya pa lamang para maging PHILIPPINE PRESIDENT ang ating kasalukuyang PRESIDENT RODRIGO DUTERTE ay ibinabandera na nito ang paglaban sa kurapsiyon at sa lahat ng katiwalian sa mga nanunungkulan sa gobyerno.., pero nagsisilbing kalasag naman niya ang BANK SECRECY ACT at siya pa rin ang nangunguna sa pagtangging isapubliko ang legalidad sa tinataglay na yaman ng kaniyang pamilya.
Dapat ang mga kakandidato ngayon para sa NATIONAL POSITIONS tulad ng PRESIDENTIABLES, SENATORIABLES at sa mga naghahangad maging CONGRESSMAN ay yaong sinsero sa paglupig ng katiwalian sa gobyerno.., na ang BANK SECRECY LAW ay hinde dapat magamit ng POLITICIANS at sa mga kawani sa lahat ng GOVERNMENT AGENCIES…, sa halip ay maging bukas sa publiko kung ano ang mga taglay nilang yaman.
Ang mga POLITICIAN ay gumagastos ng multi-milyong salapi sa panahon ng kampanyahan para lamang makatiyak sa kanilang panalo at kapag sila ay nahalal ay iba’t ibang gimik at proyekto ang inilulunsad ng mga ito.., presto kurakutan sa mga pondo pambawi sa perang kanilang nilustay noong panahon ng kampanyahan.
Sa panahon ng panunungkulan.., hinde uso ang aktuwal na abutan ng pera dahil maraming mga CCTV cameras sa kapaligiran.., ganundin ang mga opisyal o kawani halimbawa ng anumang GOVERNMENT AGENCIES tulad halimbawa sa BUREAU OF IMMIGRATION, BUREAU OF INTERNAL REVENUE, BUREAU OF CUSTOMS at iba pa ay karaniwang sa BANK ACCOUNT ipinadadala ang mga perang suhol.
Kaya naman, may mga pangkaraniwang empleyado na hinde naman sumusuweldo ng P30,000 kada-buwan ay mala-mansiyon naman ang mga bahay at mamahaling mga sasakyan at yan ay dahil sa kurapsiyon.
Napapanahon ngayon mga ka-ARYA na ang mga ihahalal para sa NATIONAL POSITIONS ay yaong mga sinsero sa advocacy kontra katiwalian…, na ang dapat lang maprotektahan ng BANK SECRECY LAW ay ang mga pribadong indibiduwal pero ang mga naghahangad manungkulan sa gobyerno ay hinde nila maaaring gamitin ang BANK SECRECY LAW.
Kinakailangan nating mailuklok sa pagiging PRESIDENT ang kandidatong magsusulong sa tunay na pagsugpo ng katiwalian sa paraang maamiyendahan ang nagsisilbing kalasag ng mga politiko na BANK SECRECY LAW.., na kinakailangan ay mas maraming mailuklok na mga mambabatas na pabor sa pagsugpo ng kurapsiyon sa ating gobyerno.
Sa ngayon, ang administrasyon ni PRES. DUTERTE ay may mga napakulong naman na BIGTIME PERSONALITIES na sangkot sa mga CORRUPTION.., yun nga lang e mukhang “bias” dahil ang mga kinasuhan at naipakulong ay yaong kalaban ng kaniyang partido at ang mga CORRUPT na DUTERTE SUPPORTERS e…, namamayagpag?
Masaklap pa, hayagang ipinangtatanggol ni PRES. DUTERTE ang kaniyang SUPPORTERS sa pagsasabing hinde CORRUPT.., na ang dapat naging aksiyon ni PRES. DUTERTE ay, “kung may ebidensiya kasuhan kahit kaibigan pa”…, yun nga lang ay maiiling ka na lamang sa sitwasyon.
Isa pang pinagdududahan ng sambayanan ay ang JUDICIARY SYSTEM sa ating bansa…, dahil, sandamakmak ang sinampahan ng kaso sa OMBUDSMAN pero marami sa mga ito ang tila tinulugan lang o inimbak lamang kapalit ng “suhulan”.., kaya nga nagkaroon ng isyung JUSTICE FOR SALE.
Ito ang ilang mga sistemang kakaharapin sa bagong mailuluklok na PHILIPPINE PRESIDENT sa kung paano ito babaguhin sa pagsuporta ng mga LAW MAKER para matuldukan na ang CORRUPTION at baka sakali ay unti-unti ring makaahon ang ating bansa mula sa pagkakabaon sa utang sa WORLD BANK.
Kaya mga ka-ARYA.., lalo na sa mga botante…, ang dapat iboto sa darating na PRESIDENTIAL ELECTIONS 2022 ay mga POLITICIAN na pabor sa panuntunang ipawalang bisa ang BANK SECRECY ACT sa hanay ng GOVERNMENT OFFICIALS at GOVERNMENT EMPLOYEES…, dahil ang sistemang ito ang magpapatigil sa talamak na GOVERNMENT CORRUPTIONS!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post Presidentiables dapat pabor amiyendahan Bank Secrecy Act! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: