Facebook

Bong Go: Presidency is a ‘thankless job’

BAGAMA’T inilarawan na ang pagiging Pangulo ng Pilipinas ay isang “thankless job”, sinabi ni Senator Christopher “Bong” Go na kinakailangan pa ring maging determinado, pukado, masikap para sa mga taong nawawalan ng pag-asa, walang malapitan at walang makapitan para sila ay matulungang makabangon sa mga krisis at kahirapan.

“Napakahirap po ng trabaho ng isang Pangulo. Thankless job. Gagawin mo ang tama, sangkatutak na batikos ang aabutin mo. Nagkamali ka naman, babatikusin ka rin,” ayon kay Go.

Gayunman, sinabi ni Go na patuloy siyang nagiging malakas para sa mga kababayan nating nawawalan ng pag-asa sa buhay at walang matakbuhan para sila ay patuloy na mabuhay at magkaroon ng kabuhayan.

“Ang nagbibigay ng lakas sa amin ni Pangulong Duterte, ‘yung mga kababayan nating hopeless at helpless na walang matakbuhan. ‘Yun lang po lagi ang pinapaalala ni Pangulong Duterte. Unahin mo ‘yung kapwa mo Pilipino, hindi ka magkakamali,” anang senador.

Batid ang mabigat na responsibilidad ng pagiging Pangulo ng Pilipinas, sinabi ni Go na mahalaga pa ring magpokus upang matulungan ang sambayanang Filipino na malagpasan ang kasalukuyang pandemya kaysa mangarap na tumakbo sa pinakamatas na posisyon sa gobyerno.

“Ako naman po, wala akong ambisyon maging isang Pangulo. Alam ko po mismo ang problema ng isang Pangulo. Kita ko mismo si Pangulong Duterte, nagtatrabaho nang 24 oras sa isang araw,” ani Go.

Kaya naman ang hiling niya sa kanyang mga kasama sa PDP-Laban na nais siyang gawing manok sa May 2022 national elections, katambal si Pangulong Duterte na pinatatakbo namang vice president, ay ihuli na lang siya sa mga pagpipilian.

“Consider me last, I’m not interested in running for the presidency dahil alam ko mahirap talaga ‘yung trabaho. ‘Yung tira na lang po ang akin, kung wala na po talaga kayong mahanap… Kung maaari, ‘wag na lang po ako,” ayon sa senador.

Sinabi ni Go na imbes pag-usapan ang pulitika, nais muna niyang magpokus sa pagsuporta o pagtulong sa pamahalaan na maresolba ang COVID-19 crisis.

“I leave my fate to God, to the Dutertes — malaki ang utang na loob ko sa kanila — at sa mga Pilipino. Ang mga Pilipino ang nagbigay sa akin ng pagkakataon na makapagserbisyo bilang Senador. Unahin ko muna ‘yung pagseserbisyo ngayon. Unahin muna natin ang pandemyang ito,” ayon kay Go.

Inamin ni Go na kahit pagod na pagod na sila ni Pangulong Duterte sa pagresolba sa pandemyang ito ay nanatili silang nakapokus ng Punong Ehekutibo sa pagsisikap na malampasan ng bansa ang krisis.

“Alam niyo po, gaya ng Pangulo, ako ay pagod na rin po sa ginagawa natin ngayon. Pero nakakawala ng pagod ‘yung suportang pinapakita ng tao tuwing bumababa ka sa publiko,” sabi niya.

“Ako kasi bumababa talaga ako, pumupunta ako sa mga ospital, nakikita ko ‘yung sitwasyon ng mga kababayan natin ngayon. Ako po ay nakikiusap sa inyo na unahin muna natin na malampasan ang pandemyang ito,” idinagdag ng mambabatas.

Determinado rin aniya si Pangulong Duterte na masugpo ang korapsyon, iligal na droga at kriminalidad hanggang sa wakas ng kanyang termino.

“Marahil marami pa siyang gustong gawin at tapusin na ‘unfinished business’ upang maisakatuparan ang pagkakaroon ng mas komportableng buhay ang ating mga kababayan. Sabi nga niya, “if there is space for him” — ibig sabihin, kung ito ang nasa puso ninyo at kung ito ang makakabuti sa taumbayan, hindi niya isasantabi ang oportunidad na magserbisyo pa lalo,” ayon pa kay Go.

The post Bong Go: Presidency is a ‘thankless job’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go: Presidency is a ‘thankless job’ Bong Go: Presidency is a ‘thankless job’ Reviewed by misfitgympal on Hulyo 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.