Facebook

Bong Go sa publiko: Delta variant mas mapanganib, maging maingat

IPINAYO ni Senator Christopher “Bong” Go sa publio na mahigpit na sundin ang health and safety protocols at manatiling mapagbantay sa pag-atake ng Delta variant ng COVID-19.

Sa kanyang pagbisita sa mga nasunugan sa Davao City, ipinaliwanag ni Go na ang Delta ay higit na mapanganib at mas nakahahawa, kagaya ng nangyayari ngayon sa Indonesia na nadaig na ang India bilang epicenter ng pandemya sa Asya.

“Itong Delta variant, delikado po talaga ito. Since meron na pong local cases, ‘wag na nating hintayin na magkaroon ng local transmission. Posible po ang local transmission kasi local cases meron pong nahawa. Ayaw natin mangyari na magiging out of control na po tulad ng nangyari sa Indonesia.”

“Tignan n’yo po ang nangyari sa bansang Indonesia, tumaas ang kaso dahil mabilis po ang pagkahawa nitong Delta variant. Four times more contagious, 40 to 60 percent po na nakakahawa than any other variant. Importante po dito, huwag tayong magkumpiyansa. Kailangan po disiplina ng bawat Pilipino,” ayon kay Go.

Noong Martes, iniulat ng Department of Health, ang walong bagong kaso ng highly contagious COVID-19 Delta variant kasunod ng isinagawa nitong retesting. Ang ilan sa kaso ay nagbalik na overseas Filipinos, isa sa Misamis Oriental, apat mula sa Cagayan de Oro. May naiulat na rin sa capital city Manila.

“Uulitin ko, disiplina ng bawat Pilipino, kooperasyon ng bawat Pilipino ang kailangan at huwag maging kumpyansa,” ani Go.

“Bagama’t bakunado na kayo, ‘di ibig sabihin pwede na kayong hindi sumunod sa mga health protocol dahil maaaring ang katabi n’yo ay hindi pa nababakunahan at maaaring sila po ang mahawaan ng Delta variant at ‘di na natin ma-kontrol,” sabi ni Go.

Ayon sa senator, hindi na kakayanin ng bansa na makabalik pa sa zero at muling ipairal ang mas mahigpit na restrictions dahil sa magiging negatibong epekto nito sa ekonomiya.

“Mahirap pong mag back to zero uli, ECQ, apektado ang ekonomiya, marami po ang mawawalan ng trabaho, maraming negosyo ang magsasara, tataas na naman po ang unemployment rate natin, at babagsak ang ating ekonomiya.”

“Sayang po, medyo maganda na po ang ating estado ngayon kumpara noong Marso at Abril dahil ang Metro Manila, regular GCQ na. Nakapagbubukas na po ang ibang negosyo at meron na pong nakakabalik na sa trabaho, ‘yun po ang importante dito balansehin muna natin ang economy and health,” ayon sa senador.

The post Bong Go sa publiko: Delta variant mas mapanganib, maging maingat appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go sa publiko: Delta variant mas mapanganib, maging maingat Bong Go sa publiko: Delta variant mas mapanganib, maging maingat Reviewed by misfitgympal on Hulyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.