TINIYAK ni Mayor Sara Duterte sa mga Dabawenyos na hindi maapektuhan ang kanyang trabaho bilang alkalde at kaya nilang abutin ang herd immunity sa November 2021 kahit umiikot siya sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
Sa press release sagot ito ng alkalde sa isang ambush interview matapos magpasaring si Manila Mayor Isko Moreno na umano’y dapat mag-focus muna ang isang alkalde sa kanyang mga constituents bago ang pulitika.
Ayon kay Mayor Duterte-Carpio, nagagampanan niya ang kanyang trabaho dahil nag-iiwan naman siya ng mga pag-aatas sa mga department heads habang tumatayong namang alkalde ang kanyang kapatid na si Vice Mayor Sebastian Duterte.
Dagdag pa nito, nakapagtala na rin ang Davao City Vaccination Cluster ng kabuuang 257,253 doses ang naiturok kung saan 211,425 ang nakatanggap ng first dose at 45,828 naman second dose.
Kaugnay nito umaapela ang alkalde sa National Task Force on Vaccination na dagdagan ang doses ng bakuna sa Davao City dahil unti-unti na rin nilang binubuksan ang ekonomiya sa lungsod.
Nauna rito magugunitng si Mayor Sarah Duterte-Carpio ay nanguna kamakailan sa Pulse Asia Survey bilang napipisil na susunod na Pangulo habang ang kanyang ama na si President Rodrigo Duterte ay nanguna rin sa vice presidential bet.(Boy Celario)
The post Mayor Sara tiniyak sa Dabawensyos na ‘di maaapektuhan ang trabaho bilang alkalde appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: