Facebook

‘Sure’ ang pagtakbong presidente ni Pacman

ITO ang inanunsyo ng acting spokesman ni Senador Manny Pacquiao na si dating Bacolod City mayor at congressman Monico Puentevella.

Ito rin ang naging pahayag ni Senador Koko Pimentel, ang nagtalaga kay Pacquiao para maging instant president ng ruling party PDP Laban, na nahati ngayon sa da-lawang factions dahil sa panghihimasok ni Energy Secretary Alfonso Cusi. Na ayon kay Koko ay bago palang sa partido at ‘di pa nga nakarating sa headquarters ng PDP Laban pero nag-presidente na.

Kung inyong naaalala, si Cusi ay batang Gloria Macapagal-Arroyo (GMA) na siyang security chief ng NAIA nang mauso ang tanim-bala. Na nang maupong pangulo si Rod-rigo Duterte ay nawala ang tanim-bala at natalagang Energy Secretary ang tarantado.

Kinumpirma rin nina Senador Ping Lacson at Tito Sotto na matagal nang nagsabi sa kanila si Pacquiao na tatakbo itong presidente sa Halalan 2022.

Hindi batid ni Pacquiao na may plano rin pala sina Ping at Sotto sa 2022. Tandem ang dalawa. Ang tawag ng netizens sa kanilang tambalan ay “PISOT”. Hehehe…

Balik tayo kay Puentevella. Aniya, wala pang running mate si Pacquiao. Naghahanap pa ito ng ka-tandem.

Ang mungkahi ni Buhay Partylist Representative Lito Atienza, ang perfect na ka-tandem ni Pacquiao ay si Manila Mayor Isko Moreno. Game changer daw sila. Na kung tawagin ng netizens ay “PAKI”. Ang paki sa Bisaya ay pilay. Hehehe…

Pero papayag ba si Isko na Vice lang? No way! Winnable si Yorme. Bakit magba-Vice? Kung Vice manlang ang tatakbuhin ni Isko, stay put nalang siya sa Maynila as reelectionist mayor. Mismo!

Anyway, ang 42-anyos na Pacquiao ay kasalukuyang nasa Estados Unidos, naghahanda para sa kanyang mala-king laban kay undefeated IBF/WBC welterweight champion Errol Spence sa Agosto 21. Bilyones ang kikitain niya niya sa labang ito, dagdag panggastos sa eleksyon. Hehehe…

Pagkatapos ng laban kay Spence, ayon kay Puentevella, kaagad babalik sa Pinas nating mahak si Pacquiao para ayusin naman ang kanyang tiket para sa darating na halalan.

Inaasahan ding isasalang ni Pacquiao sa Senate Blue Ribbon Commitee ang mga inilantad niyang “ebidensiya” laban sa mga katiwalian ng mga ahensiya ng gobyerno ng Duterte administration.

Ang “expose” ni Pacquiao ay sagot narin sa hamon ni Pangulong Digong na kung totoong may alam si Pacquiao na katiwalian sa mga ahensiya ng gobierno, ilabas niya lang ito ay siya na ang bahala rito sa loob ng isang linggo.

Bago umalis si Pacquiao para sa kanyang training sa US vs Spence, ipinakita niya sa media ang bundok ng mga “ebidensiya” laban sa mga katiwalian sa Social Amelioration Program under DSWD, at sa iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Ngunit minaliit ito ng Malakanyang. “Watusi” lang daw ang pasabog ni Pacquiao. Ininsulto rin ng todo-todo ni Duterte ang kakayahan ni Pacquiao. Wala raw itong alam, hindi nagbabasa. Hehehe…

Resbak ni Pacquiao: “Nagtataka ako. Grabe ang atake nila sa akin, grabe ang paninira nila sa akin… Hindi naman ako nagnakaw, hindi naman ako nanloko ng tao, hindi naman ako nang-agrabyado. Sinusunod ko lang yung nasa puso ko, na kalangan kong ipaglaban kung ano yung commitment ko sa sambayanang Pilipino.” Mismo!

Tuloy mo ang laban, Manny. Fight! fight!! fight!!!

The post ‘Sure’ ang pagtakbong presidente ni Pacman appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Sure’ ang pagtakbong presidente ni Pacman ‘Sure’ ang pagtakbong presidente ni Pacman Reviewed by misfitgympal on Hulyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.