NASA kritikal na kondisyon ang isang lalaki nang pagbabarilin habang natutulog sa isang footbridge sa kanto ng EDSA at Quezon Avenue sa Quezon City nitong Huwebes ng madaling araw.
Kinilala ang biktima na si Jose Ronillo Conde, residente ng Barangay Bagong Pag-asa, batay sa mga ID na nakuha sa kaniya.
Nangangalakal ng basura ang biktima at karaniwang natutulog sa footbridge lalo na kapag umuulan sa gabi.
Ayon kay Jayson Garganera ng Quezon City Task Force Disiplina, nasa may outpost sila ng Task Force Disiplina na malapit lang sa footbridge nang makarinig sila ng putok na akala nila ay sumabog na gulong ng sasakyan.
Kalaunan may mga lumapit na sa kanila para i-report ang nasabing pamamaril.
Isang basyo ang nakita malapit sa katawan ng biktima, pero walang nakakita sa salarin.
Agad naman rumesponde ang rescuers upang lapatan ng paunang lunas ang biktima bago isinugod sa East Avenue Medical Center.
Iniimbestigahan pa ng Project 6 Police Station ang posibleng motibo sa krimen.
The post Basurero binaril habang tulog sa footbridge sa QC appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: