Facebook

BONG GO UMAYUDA SA PWDs, DEAF STUDENTS SA S. LEYTE

UMAABOT sa 855 persons with disabilities at deaf students ang inayudahan ni Senator Christopher “Bong” Go sa serye ng relief operations sa Maasin City Gym sa Maasin City, Southern Leyte bilang bahagi ng ginagawang pagsuporta ng senador sa vulnerable Filipinos, lalo sa mga may kinakaharap na problema sa kalusugan sa gitna ng pandaigdigang pandemya.

“Sa akong mga kaigsoonan na mga PWDs, sa mga deaf students dinha sa Maasin, kumusta naman mo tanan? Kabalo mo na dool mo sa among kasing-kasing ni Presidente Duterte ang mga taga Maasin, Southern Leyte kay dinha gikan ang atoang Presidente na si Presidente Rodrigo Roa Duterte,” sabi ni Go sa wikang Bisaya sa kanyang video message.

“Alam ko na mahirap ang panahon ngayon, magtulungan lang tayo. Sino pa ba ang magtutulungan kung hindi tayo lang ding kapwa Pilipino,” idinagdag niya.

Dahil isa sa kanyang top priority ang kalusugan ng mga Filipino, hinimok ni Go, chair ng Senate Committee on Health and Demography, ang mga benepisyaryo na bumisita sa Salvacion Oppus Yñiguez Memorial Provincial Hospital sa capital city kung saan sila nakahandang asistehan ng Malasakit Center para sa kanilang mga gastusin.

“Puntahan lang ninyo itong Malasakit Center, batas na ito na pinirmahan ni Pangulong Duterte na isinulong ko noong una. Ang Malasakit Center ay para talaga sa mga Pilipino,” ani Go.

Si Go ang pangunahing may akda at nagsabi ng nasabing panukala hanggang sa ito ay maging Republic Act No. 11463, mas kilala bilang Malasakit Centers Act.

“Sa mga pasyente dito, kung may bill kayo, ilapit niyo lang ito sa Malasakit Center at tutulungan kayo nito makahingi ng tulong sa mga ahensya ng gobyerno. Hindi niyo na kailangan bumiyahe para pumila sa iba’t ibang opisina. Wala itong pinipili. Basta poor at indigent patient ka, qualified ka sa Malasakit Center,” sabi ni Go.

“Hindi na kailangang pahirapan pa ang mga kababayan natin dahil pera naman nila iyan, ibinabalik lang sa kanila sa pamamagitan ng mabilis at maayos na serbisyo mula sa Malasakit Centers,” idinagdag ng senador.

Bukod sa mga ibinigay na ayuda ng tanggapan ni Senator Go, namahagi rin ng tulong ang mga ahensiya ng gobyerno bilang karagdagang suporta sa PWDs at mga estudyanteng bingi.

Isang dating overseas worker, Marieta Kadigal, 58, ay nagsabi kung paano naapektuhan ang kanyang kabuhayan matapos siyang maaksidente.

“Noong wala pa pong pandemya, naging OFW po ako tapos naaksidente kaya po ngayon ako ay isang PWD. Malaki po ang difference ng pamumuhay dahil ngayon po ay umaasa lang po ako sa mga anak ko po.”

“Ako po ay nagpapasalamat nang buong puso dahil binigyan ng pansin kaming mga may kapansanan dito sa lugar namin. Taos puso po akong nagpapasalamat sa inyo, Senator Bong Go at Presidente Duterte,” sabi ni Kadigal.

“Mga kababayan ko, kung mayroon pa kayong kailangan nandito lang kami ni Presidente Duterte na handang magserbisyo sa inyong lahat sa abot ng aming makakaya,” ang sabi naman ng mambabatas.

The post BONG GO UMAYUDA SA PWDs, DEAF STUDENTS SA S. LEYTE appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BONG GO UMAYUDA SA PWDs, DEAF STUDENTS SA S. LEYTE BONG GO UMAYUDA SA PWDs, DEAF STUDENTS SA S. LEYTE Reviewed by misfitgympal on Hulyo 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.