Facebook

Briones: Pork importation, hindi kailangan!

ABOT hanggang langit kung ituring ang presyo ng karneng baboy sa mga pamilihan sa buong bansa. Dahil sa sobra pa halos sa doble ang itinaas ng presyo nito sa mga pamilihan, ang nababagsakan ng sisi ay ang pamahalaan.

Pumapalo sa Php380 ang kilo ng karneng baboy sa lahat ng pamilihan. Balewala ang Executive Order 124 na inugit ni Pangulong Rodrigo R. Duterte kamakailan na nagtatakda ng presyong P270 per kilo ng kasim at P300 per kilo ang liempo.

Hindi makontrol ng mga ahensyang itinalaga ni Pangulong Digong ang pagtataas ng bentahan ng karneng baboy.

Kaya walang kalaban-laban ang sektor ng mga lokal na magba-baboy sa mga multi-milyonaryong pork importer na karamihan ay mga negosyanteng Intsik.

Namamanipula ng mga importer ang pagtatakda ng presyo ng karneng baboy sa mga palengke pagkat mas mababa ang halaga ng taripa na binabayaran ng mga ito sa pamahalaan sa kanilang pag-angkat ng karneng baboy sa bansang China.

Ang karneng baboy pala ay inaangkat pa din natin sa China gayong isa ang ating mga lokal na magba-baboy sa malaking income contributor ng bansa.

Karamihan sa mga lokal na magba-baboy ay nasisiraan na ng loob na mag-alaga ng maramihang bilang ng baboy dahil nga sa pagluluwag ng gobyerno sa mga Chinese importer. Kaya naman talagang umaaaray na ang mga lokal na magba-baboy, at nabubuhos ang galit ng mga ito sa Administrasyong Duterte.

Ayon sa mga lokal na magba-baboy ay nalulugi ang pamahalaan ng di kukulangin sa Php 1.5 bilyon sa pagbabawas ng taripa sa pork importation na halos ay mga Intsik nga lamang naman ang nakikinabang. Baka naman talagang love na love ni Digong ang mga Tsekwa?

Pinababa na nga ng pamahalaan pabor sa mga Chinese importer ang taripa ng importasyon ngunit lalo namang pinataas ng mga ito sa pamilihan ang takdang bentahan ng karne sa buong kapuluan.

Malaki ang sampalataya naman ng mga lokal na magbababoy sa isiniwalat kamailan ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na may sindikato sa loob ng Department of Agriculture (DA) na kumita ng bilyones na salapi ng “tong-pats” sa pagpapababa ng taripa ng pork importation.

Ayon naman kay Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) Partylist founder Nicanor “Nikki” Briones” dapat laging pahalagahan ng ating gobyerno ang long-term solution sa pagmamantine ng mataas na kalidad ngunit murang presyo ng karneng baboy sa mga pamilihan.

Ani Briones, kailangan ding bigyan ng proteksyon ng pamahalaan ang mga lokal na magbababoy na karamihan ay nakabase sa Batangas at sa buong CALABARZON.

Batay sa kanyang post sa social media kamakailan sinabi din ni Briones na kailangan ng mga magsasaka ang kalinga ng pamahalaan para magkaroon ng “MURA, DE KALIDAD AT SAPAT NA PAGKAIN.”

Sang-ayon naman sa datus, ang hog industry ay pangalawang income contributor sa sektor ng agrikultura kasunod sa nangungunang industriya ng rice production sa bansa.

Nakakaunsyami namang sa kabila ng ating masaganang supply ng palay at baboy, ay nag-iimporta pa nga ang pamahalaan ng bigas at karneng baboy sa ibang bansa?

Karamihan pa nga sa mga importer na Filipino-Chinese mestizo o kaya pure Chinese ay siyang hinihinalang komokontrol ng rice at pork cartel sa bansa.

Bakit kaya mukhang nakaligtas sa pang-amoy at di kasali sa listahan ni Boxing Icon Senador Manny Pacquiao ang kabulokang ito sa DA?

Malamang na bagsak si Digong at ang anak nitong si Inday Sara sa paparating na May 2022 Presidential at Vice Presidential bid.

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com

The post Briones: Pork importation, hindi kailangan! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Briones: Pork importation, hindi kailangan! Briones: Pork importation, hindi kailangan! Reviewed by misfitgympal on Hulyo 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.