Facebook

Duterte-Duterte tandem sa 2022, mapanganib ayon kay Casiple

POSIBLENG magdulot ng panganib at kasiraan sa Pilipinas at magdala ng negatibong impresyon sa international community ang pagtakbo nina Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio

Ayon sa political analyst na si Mon Casiple, tiyak na pagpipiyestahan sa buong mundo ang Pilipinas kapag nangyari ang Duterte-Duterte tandem sa 2022, na malinaw na pagpapairal ng monarchy.

Aniya, ang naging katanggap-tanggap sa mga nakaraang eleksyon ay “one after the other” gaya ng nangyari kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at ni dating Pangulong Noynoy Aquino na sinundan ang yapak ng kanilang mga magulang. Kumbisido naman si Casiple na tatakbo sa presidential race si Mayor Sara Duterte dahil sa kaniyang ipinahihiwatig na pag-iikot sa mga lalawigan. Una nang nilinaw ng kampo ni Mayor Sara na Hugpong ng Pagbabago na hindi pamumulitika ang ginagawa nitong konsultasyon sa iba‘t ibang partido at politiko pero hindi ito kinagat ng kanilang mga kritiko.

Samantala iginiit ni Senadora Leila De Lima na hindi na dapat pagkatiwalaan pa si Pangulong Rodrigo Duterte na kanya pang susundin ang nilalaman ng ating Saligang Batas. Ito’y ayon kay De Lima matapos na sabihing ikinukunsidera nitong lumahok sa halalan sa susunod na taon. Paliwanag ni De Lima, sang-ayon sa ating Saligang Batas, hindi pinapayagan ang ‘re-election’ ng Pangulo. Sa huli, sinabi ng senadora na tila iniisip ng Pangulo na mas mataas ito sa anumang batas na umiiral sa ating bansa.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!

The post Duterte-Duterte tandem sa 2022, mapanganib ayon kay Casiple appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Duterte-Duterte tandem sa 2022, mapanganib ayon kay Casiple Duterte-Duterte tandem sa 2022, mapanganib ayon kay Casiple Reviewed by misfitgympal on Hulyo 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.