Siniguro ni Sara Duterte-Carpio sa mga Dabaweyo na hindi niya pinababayaan ang kanyang mga tungkulin bilang alkalde ng Davao city.
“I assure all Dabawenyos that my strength as a mayor is to take on several roles and ensure that work is carried out,” saad ni Duterte-Carpio.
Lahat umano ng serbisyo at operasyong pampubliko sa Davao city ay hindi maantala sa tulong ni vice mayor Sebastian Duterte habang tinutugunan ng alkalde ang iba pa niyang mga tungkulin sa ibang parte ng bansa.
“I don’t stop being mayor wherever I am. I give instructions and make decisions at all times of the day, whenever needed,” dagdag pa ng alkalde na umano’y hinati na ang kanyang buong linggo sa pagiging alkalde, pamumulitika , at pati na rin sa kanyang pamilya.
Sa isang ambush interview kamakailan, sinabi niya sa media na ang vaccination program ng Davao city ay “doing very well” ngunit ang kanilang pangunahing target ay ang magkaroon ng herd immunity sa nasabing siyudad sa Nobyembre ngayong taon.
Hanggad ng alkalde na maging tuluy-tuloy ang pagdating ng mas marami pang bakuna para sa mga Dabawenyo.
Ayon sa Davao City Vaccination Cluster, hanggang nitong June 30 ay mayroong kabuuan na 257,253 doses na ang naibakuna- 211,425 bakuna para sa unang dose at 45,828 naman para sa ikalawang dose.
Nanguna si Duterte-Carpio sa kamakailan na survey sa mga napipisil na presidente para sa eleksyon sa susunod na taon samantalang ang kanyang ama naman na si Presidente Rodrigo Duterte ay nanguna naman sa vice presidential bet survey.
The post SERBISYO NI SARA SA DAVAO TULOY-TULOY appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: