UNTI-UNTI nang pinagliliwanag ng mga pangyayari ang damdamin at isipan ng ating Commission on Human Rights (CHR) sa mga kabuktutang pinaggagawa ng mga teroristang-komunista na Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Nitong nakaraang Lunes (July 12), sumama ang CHR sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) upang ipahayag ang saloobin ng komisyon sa mga pinaggagawa ng CPP-NPA-NDF, na ang huli ay ang pasabugan ng Anti-Personnel Mines (APM) ang tropa ng pamahalaan sa Jipapad, Eastern Samar nang walang kalaban-laban dahil wala namang mga dalang armas ang mga biktima.
Isang sundalo at dalawang Cafgus ang mga nasawi sa krimen at pagkasugat ng ilan pa, nang pasabugin ng mga teoristang-kumunista ang APM at ang masakalap pa, pagkatapos ng pagsabog ay pinagbabaril pa ang kanilang mga biktima.
Isa itong malaking paglabag sa International Humanitarian Law (IHL) ang sabi ng CHR sa pamamagitan ng kanilang Deputy Spokesman na si Mark Siapno.
Lagi at labis naman daw kinukundina ng CHR ang paggamit ng mga improvised explosive devices, gaya ng landmine, “dahil isa itong paglabag sa diwa at prinsipiyo ng IHL.” At tiniyak ni Siapno ang pagiimbestiga sa insidente ng komisyon upang bigyan hustisya ang mga naging biktima nito, dahil ang kagagawan ng mga terorisstang CPP-NPA-NDF aniya, ay isang pagwalang-bahala sa karapatang pangtao.
Ang sabi pa ni Siapno kailangan masampahan ng kaso ang mga maykagagawan nito maging ang pamunuan ng CPP-NPA-NDF, dahil isa sa matinding panawagan ng CHR ay di pwedeng gamitin ang anumang idelohiya para sabihin na okay lang o sapat lang lumabag sa karapatang pangtao at di na managot sa nagawang krimen.
Paano nga naman, ang ating mga kawal ay nasa kabundukan upang manguha lamang ng mga kahoy na maaring gamitin sa pagtatayo ng kanilang kampo. Sabi nga ni Maj. Gen. Pio Diñoso, Commander ng 8th Infantry Division ng Army ay naroon ang ating mga kawal hindi para makipaglaban. Wala silang dalang mga armas at wala silang kapasidad na lumaban. Ito raw ay lantarang paglabag sa International Humanitarian Law.
“Bakit nila ginanun?”, ang may pagtatakang tanong ni Maj. Gen. Diñoso. Ang katanungan na iyan, ang bibigyan kasagutan ng CHR dahil alam na ng komisyon ang matagal ng kamalian ng mga teoristang-komunista.
The post CHR sumama na sa pagkukundina sa NPA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: