Facebook

Hindi kabisado

HINDI alam ni Rodrigo Duterte at ang kanyang kampo kung paano haharapin ang sumulong na habla ng crimes against humanity laban sa kanya at mga kasabwat sa International Criminal Court (ICC). Hanggang ngayon, hindi malinaw kung anong hakbang ang isasalubong sa pormal na imbestigasyon na maaaring mag-umpisa sa Septiyembre.

Nasa Pre-Trial Chamber ng ICC ang makasaysayang sakdal at ito ang magpapasya kung itutuloy o hindi ang pormal imbestigasyon ng sakdal. Inirekomenda ni Fatou Bensouda, ang nagretirong hepe ng Office of the Prosecutor ng ICC, sa kanyang Hunyo 15 Final Report ang pormal imbestigasyon dahil may batayan ang sakdal laban kay Duterte, Bato dela Rosa, Dick Gordon, Alan Peter Cayetano, Jose Calida, Vitaliano Aguirre, at iba pa.

Nang unang nabalita ang demanda, hindi ito pinahalagahan ni Duterte. Binawale wala ng mga kasapakat ang sakdal sa paniwala na walang mangyayari. Sinegundahan sila ng ilang kasama sa naghaharing koalisyon. Mapupunta iyan sa basurahan, ani Ping Lacson na kinilala sa kanyang mga malasadong pangungusap. “Suntok iyan sa buwan,” ayon sa isang senador na natalo noong halalan nooong 2019.

Lingid sa kaalaman ng tila nababaliw na si Duterte, palihim na pumunta ang dalawang nanguna sa demanda, Sonny Trillanes at Gary Alejano, sa tanggapan ng ICC sa The Hague, Netherlands upang magsumite ng mga dokumento sa ikatitibay ng kaso. Sumama na sa habla ang ilang grupo ng mga aktibista sa karapatang pantao at pawang nagbigay sila ng mga dokumento tungkol sa mga taong pinatay ng pulisya at asset kaugnay sa giyera kontra droga.

Isa ang aktibistang si Nanette Castillo na pumunta sa The Hague na nagbigay ng dokumento. Nagsalita siya sa isang forum doon tungkol sa mass killing sa Filipinas. Sa maikli, may mga dokumentong naisumite sa ICC sa pre-prosecution stage. Hindi magtatagal, uusigin si Duterte at mga kasabwat sa patayan sa pormal na imbestigasyon.

Dahil sa sobrang kaba, kung ano-ano ang kanilang sinasabi na wala sa lugar. Kamakailan, nagpahayag sila na tatakbo bilang bise presidente si Duterte sa halalang pampanguluhan sa 2016. Sinang-ayunan naman ng paksyon ni Pons Cusi sa lapiang PDP-Laban ang plano ni Duterte. Nagmukha silang mga katawa-tawa sa kanilang mga pahayag at pinaggagawa.

Hindi nila alam na walang presidential immunity ang bise presidente, ayon sa mga abugado na magaling sa constitutional law. Hindi binibigyan ng immunity from suit ang bise presidente sapagkat wala naman ibang trabaho ang bise presidente kundi bilang pamalit na gulong kung may mangyaring hindi maganda sa nakaupong presidente.

Abugado si Duterte ngunit hindi niya alam ang isyu ng presidential immunity sa pangulo at pangalawang pangulo. Hindi sumangguni si Duterte sa mga manananggol kung hanggang saan ang kanilang mga immunity sa demanda. Nabisto siya na hindi alam ang kanyang kapangyarihan. Hindi nag-aaral.

***

NADAGDAGAN ang kabalastugan ni Duterte nang akusahan sa kanyang paglabas sa telebisyon na taksil sa bayan ang tahimik na si Albert del Rosario, dating kalihim ng DFA na isa sa mga responsable sa kaso kontra China sa UNCLOS. Nanakot siya na bubuhusan ng kape sa mukha si del Rosario. Hanggang salita lang si Duterte. Hindi siya sineseryoso ng mga katunggali dahil parang utot lang ang lumalabas sa kanyang bibig.

Magaling sa martial arts si del Rosario. Black belter siya sa Hwa Rang do, ang martial arts ng mga Koreano. Walang anuman na ihahagis sa era ni del Rosario si Duterte. Hindi sila makakalapit kay del Rosario na walang tama sa katawan.

Bukod diyan, walang lohika ang katwiran ni Duterte. Paano magiging taksil si del Rosario sa Filipinas kung hindi siya Filipino tulad ng sinasabi ng tila bangag na si Duterte sa harap ng TV? Ito ang katwiran ng isang netizen na si Elso Cabangon.

***

MGA PILING SALITA: ‘The importance of vaccines, you must get the vaccine or you die. Ilang beses na iyan sinasabi. Many times. Kung ayaw ninyo talaga maniwala edi huwag muna kayo lumabas ng bahay para hindi kayo makahawa. – Rodrigo Duterte

“Illegal arrests and trumped-up charges against activists continue to mark President Duterte’s crackdown on dissent—and a disturbing pattern of the weaponization of warrants and judicial processes is now being alarmingly used to facilitate human rights violations in the country.” – Pahayag ng Karapatan

***

MAY isinulat na paraan si netizen Rodolfo Hilado Divinagracia upang makontrol ang Delta variant ng Covid-19. Pakibasa:

1.) Kontrolin ang PDP-Laban,

2.) Patahimikin si Trillanes at Delima, at

3.) Paikutin si Inday Sara sa buong bansa.

Ihanda na rin ang mga surveys para manatiling mataas ang ratings. Panatilihin ang pagwawalwal ni Syokey at Pamela. At hayaan lang si Duque at Galvez.

***

Ayon kay Aurelio Servando, isang netizen: “After Duterte’s ‘sako-sakong pera ang dadalhin’ for the campaign promise, try with all the mental contortions he can come up with, Roque can’t undo the ‘truths’ that should have been forever ingrained in Pilipinos’ minds by now.

1. Despite Duterte’s repeated claims that government has no more money for “ayuda”, meron pala for campaign purposes.

2. Duterte speaks a different language when he is addressing poor Pilipinos , than when he is talking to his already super rich political buddies.

3. Duterte has an altogether different set of priorities, than millions of his poor out-ouf -work and hiungry, what he claims to be his countrymen.

4. While election spending will reach stratospheric heights by 2022, government has an abysmal assessment of voters, it thinks all can be bought.

5. Voters shouldn’t expect anything good from a government that could give away sack loads of money, sans accounting.

6. Candidates that need “sack loads” of money to get votes, are not worthy of the same votes.

6. That even if Roque says the sack loads of money will come from private donors and not from government coffers, meron palang mahingan ng tulong, bakit hindi na lang ilaan sa mas kailangan na mga proyekto.

7. This government doesn’t have much of achievements it can rightfully and deservingly boast about, if it has to use sack loads of cash to earn people’s support.

8. This government wastes precious air-time explaining away presidential statements. Hours that could have been spent explaining what government has been doing to fight the pandemic.

9. 16 million made a huge mistake in 2016.”

The post Hindi kabisado appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Hindi kabisado Hindi kabisado Reviewed by misfitgympal on Hulyo 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.