Facebook

Bulkang Taal nagbuga uli ng makapal na usok

TINATAYANG aabot sa 39 volcanic earthquake ang naitala sa panibagong pag-aalburoto ng Bulkang Taal sa nakalipas na 24-oras iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Nabatid sa bulletin ng Phivolcs bukod sa pagyanig naitala rin sa paligid ng bulkan ang makapal na usok o high level ng volcanic sulfur dioxide o SO2 gas emissions at steam-rich plumes na ibinuga ng bulkan.

Ayon sa Phivolcs patuloy na nakataas sa alert level 3 ang Bulkang Taal at ang pagtulak ng magma ay posibleng mauwi sa explosive eruption ng bulkan.

Pinaalalahanan din ng ahensya ang publiko na ang buong Taal Volcano Island (TVI) ay isang Permanent Danger Zone (PDZ) at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa isla kabilang ang high-risk barangay na malapit dito ang Agoncillo at Laurel dahil sa banta ng pyroclastic density currents at volcanic tsunami dahil sa banta ng pagsabog.

Nagbabala rin ang Phivolcs na lahat ng aktibidad sa Taal Lake ay mahigpit na ipinagbabawal at hindi pinapayagan sa kasalukuyan.

Kaugnay nito pinaalalahanan din ng Phivolcs ang mga komunidad sa paligid ng Taal Lake na maging mapagbantay at magsagawa ng kaukulang pag-iingat sa posibleng nasa hangin na abo at maging mapaghanda sa posibleng evacuation sa sandaling lumalala ang pag-aalboroto ng bulkan.

Samantala pinayuhan ng Phivolcs ang mga piloto na iwasan magpalipad ng eroplano malapit sa Bulkang Taal dahil sa mga abo sa hangin at banta ng pagsabog ng pyroclastic density na maaring makasama sa eroplano.

Ang Bulkang Taal ay itinuturing na aktibong bulkan dahil sa mga nakalipas na pag-aalburoto nito. (Boy Celario)

The post Bulkang Taal nagbuga uli ng makapal na usok appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bulkang Taal nagbuga uli ng makapal na usok Bulkang Taal nagbuga uli ng makapal na usok Reviewed by misfitgympal on Hulyo 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.