Facebook

Mamemeke ng vaccination card, makukulong – Malakanyang

NAGBABALA ang Malakanyang sa publiko na kulong ang katumbas na parusa sa sinumang mamemeke sa vaccination cards.

Ang babalang ito ay sa gitna ng pangamba ng local government units na baka gumamit ng pekeng card ang mga interzonal na mga pasahero.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque na mahabang pagkabilanggo ang ipapataw na parusa sa lalabag sa falsification of public document kaya huwag na aniyang tangkaing magpakulong dahil lamang sa kagustuhang makagala o makalabas at makapunta sa ibang lugar.

“Nagbibigay po ako ng babala doon sa mga mamemeke–iyan po ay isang public document. So pag kayo ay nameke ng vaccination card, that’s falsification of a public document,” ani Roque.

Kaugnay naman sa concern ng LGUs na kailangan pa ring i-swab test ang mga lokal na turista kahit bakunado na, sinabi ni Roque na pag-uusapan nila sa pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang tungkol sa bagay na ito.

Nilinaw ni Roque na sa ngayon ay mananatili ang IATF resolution na papayagan na ang mga bakunadong biyahero na makapunta sa ibang lugar ng hindi na kinakailangan ang swab test. (Josephine Patricio)

The post Mamemeke ng vaccination card, makukulong – Malakanyang appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mamemeke ng vaccination card, makukulong – Malakanyang Mamemeke ng vaccination card, makukulong – Malakanyang Reviewed by misfitgympal on Hulyo 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.