Facebook

DOH: Lambda variant ng COVID-19 ‘di pa nade-detect sa PH

SINABI ng Department of Health (DOH) na hindi pa nila nade-detect sa Pilipinas ang Lambda variant ng COVID-19 na ikinukumpara ngayon ng mga eksperto sa Delta variant, pagdating sa bilis nitong makahawa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakarating na sa kanilang kaalaman ang tungkol sa Lambda variant, na unang natukoy sa Peru noon pang Disyembre 2020.

Tiniyak niyang hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakakapasok sa Pilipinas ang naturang COVID-19 variant.

“Hanggang ngayon ay wala pa tayong nadi-detect na ganitong klase ng variant sa bansa,” sabi ni Vergeire, sa panayam sa telebisyon.

Sinabi ni Vergeire na batay sa World Health Organization (WHO), ang Lambda ay ikinukonsidera sa ngayon na “variant of interest,” na ang ibig sabihin ay iba ito sa mga variants of concern.

Pinaniniwalaan din namang kasing-transmissible ito ng Delta variant, na unang natukoy sa India, at ng Alpha variant, na na-detect naman sa United Kingdom.

Gayunman, sinabi ni Vergeire na wala pang pag-aaral na nagpapakita na ang Lambda variant ay nagdudulot ng malalang impeksiyon kaya’t hihintayin pa nila ang dagdag pang pag-aaral dito ng WHO.

Kaugnay nito, sinabi ni Vergeire na tulad rin sa kaso ng iba pang variants ng sakit, kailangan ang istriktong pagpapatupad ng border control upang hindi makapasok ang Lambda variant sa bansa.

Nabatid na sa kasalukuyan, mayroon nang 30 bansa ang nakapagtala ng naturang bagong strain ng virus. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

The post DOH: Lambda variant ng COVID-19 ‘di pa nade-detect sa PH appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
DOH: Lambda variant ng COVID-19 ‘di pa nade-detect sa PH DOH: Lambda variant ng COVID-19 ‘di pa nade-detect sa PH Reviewed by misfitgympal on Hulyo 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.