Facebook

COVID-19 active cases sa NCR, posibleng umakyat ng higit 30K hanggang Set. 30

SINABI ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) nq posibleng umakyat pa ng hanggang mahigit sa 30,000 ang aktibong COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR) pagsapit ng Setyembre 30, kahit pa nagpapatupad na ngayon ng heightened restrictions at nakatakda na ang implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ) sa rehiyon sa susunod na linggo.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa nakikita nilang mga scenario ay posibleng tumaas pa ang bilang ng mga aktibong kaso ng sakit ng mula 18,000 hanggang 30,000 kahit naka-ECQ, base na rin sa projections ng Feasibility Analysis of Syndromic Surveillance using Spatio-Temporal Epidemiological Modeler (FASSSTER) at Autumn groups.

“Dito po sa mga scenario nakakita po ng increase in the number of [active] cases from 18,000 to 30,000 plus cases. ‘Yan ay naka-ECQ na po tayo,” sabi pa nito sa Laging Handa press briefing.

Sinabi ni Vergeire na ang projections ay base sa dalawang scenarios: ang NCR sa ilalim ng one week general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions kasunod ng three-week enhanced community quarantine (ECQ) at isang four-week ECQ.

“Please take note that these are initial projections and DOH with our Experts have provided comments and recommendations to further improve on this,” ayon pa rin dito.

Ipinaliwanag rin ni Vergeire na ang mga naturang lockdowns ay makatutulong upang maihanda ang ating health system ngunit hindi nito makokontrol ang pagkalat ng virus.

“Kailangan iprepara ang system, gawin natin ang mga dapat gawin para ma-prevent ang further spread ng Delta variant,” sabi pa nito.

Samantala, sa kabila naman ng banta ng Delta variant, hindi pa maaaring ideklara ng DOH ang isang community transmission dahil ang genome-sequenced cases ay individually linked pa lamang sa isa’t isa.

“The assumption will be is Delta variant is part of those factors that we are now considering when it comes to the increasing number of cases,” ayon pa dito.

Mayroon nang 216 kaso ng Delta variant sa bansa sa kasalukuyan. (ANDI GARCIA)

The post COVID-19 active cases sa NCR, posibleng umakyat ng higit 30K hanggang Set. 30 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
COVID-19 active cases sa NCR, posibleng umakyat ng higit 30K hanggang Set. 30 COVID-19 active cases sa NCR, posibleng umakyat ng higit 30K hanggang Set. 30 Reviewed by misfitgympal on Hulyo 31, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.