Facebook

Covid update: 5,651 bagong kaso; 5,332 gumaling; 72 nasawi

MULING nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 5,651 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Lunes, Hulyo 19.

Samantala ay mayroon namang naitalang 5,332 na gumaling at 72 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.1% (47,561) ang aktibong kaso, 95.1% (1,439,049) na ang gumaling, at 1.77% (26,786) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 17, 2021 habang mayroong 6 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 6 labs na ito ay humigit kumulang 0.4% sa lahat ng samples na naitest at 1.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

The post Covid update: 5,651 bagong kaso; 5,332 gumaling; 72 nasawi appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Covid update: 5,651 bagong kaso; 5,332 gumaling; 72 nasawi Covid update: 5,651 bagong kaso; 5,332 gumaling; 72 nasawi Reviewed by misfitgympal on Hulyo 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.