Facebook

2 AETA ABSUELTO SA KASONG TERORISMO

IBINASURA ng Olongapo City RTC ang kaso laban sa dalawang Aeta na sinampolan ng paglabag sa kontrobersyal na Anti-Terrorism Law.

Sa desisyon ni Presiding Judge Melani Fay Tadili ng Olongapo City Regional Trial Court Branch 97, bigo ang prosekusyon na patunayan na sina Japer Gurung o “Ka Jepoy”, at Junior Ramos o “Ka Jaypee” ang mga nasa likod ng pagkasawi ng isang sundalo, sa ilalim ng Section 4 ng Anti-Terrorism Act.

Ipinag-utos ng korte sa Bureau of Jail Management and Penelogy na agad palayain sina Gurung at Ramos.

Matatandaan na inakusahan ang dalawa na miyembro ng NPA at sinampahan ng kasong terorismo kaugnay sa pagkamatay ng isang sundalo sa engkwentro noong 2020.

Ayon sa korte, paiba-iba ang pahayag ng mga sundalo at mga testigo, na nagsabing nakita nila sina Gurung at Ramos sa nangyaring bakbakan.

The post 2 AETA ABSUELTO SA KASONG TERORISMO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 AETA ABSUELTO SA KASONG TERORISMO 2 AETA ABSUELTO SA KASONG TERORISMO Reviewed by misfitgympal on Hulyo 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.