Facebook

Wanted: Ret. teacher namaril

PATAY ang isang lolo nang pagbabarilin ng dating guro sa Sitio Alawihaw, Barangay Balighot, Maayon, Capiz, noong Biyernes (July 16).

Kinilala ang biktima na si Percito Tolentino, 76 anyos, magsasaka at residente ng nasabing lugar. Ang salarin ay nakilalang si Pascual Dumagpi, 66, retired public school teacher at residente sang Poblacion Tabuc, sa parehong bayan.

Ayon sa Maayon PNP, papauwi ang biktima sakay ng kaniyang kalabaw nang harangin ni Dumagpi at pinagbabaril ng apat na beses gamit ang .45 caliber.

Mabilis na tumakas si Dumagpi kasunod ng insidente.

Nagtamo ng ilang sugat sa tiyan ang biktima na namatay habang ginagamot sa ospital.

Away sa lupa ang sanhi ng krimen.

Tinutugis pa ng pulisya ang salarin.

The post Wanted: Ret. teacher namaril appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Wanted: Ret. teacher namaril Wanted: Ret. teacher namaril Reviewed by misfitgympal on Hulyo 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.