Facebook

2 NPA todas sa warrant sa Tarlac

PATAY ang isang lider ng teroristang New People’s Army (NPA) at isa pa nilang kasapi nang makipagbakbakan sa mga otoridad sa Barangay San Juan de Mata, Tarlac City noong Sabado, Hulyo 17.

Kinilala ni Brigadier General Andrew Costelo, commander 703rd Infantry Brigade ng Philippine Army, ang mga nasawi na sina Neptali Santos alyas “Atong/Allen/Peter/Kalbo/Jason”, executive committee officer ng Komiteng Rehiyon-Gitnang Luzon (KR-GL); at isang alyas “Sandy” na miyembro rin ng KLG-TARZAM, KR-GL.
Sinabi ni Costelo na nahaharap si Santos sa patung-patong na kaso tulad ng arson sa Tarlac at 2 counts ng murder at multiple frustrated murder ang kinahaharap nito sa Baler, Aurora.

Ayon sa ulat, nasawi ang dalawang rebelde nang paputukan ng mga ito ang pinagsanib na puwersa ng PNP at Army na magsisilbi sana ng warrant of arrest laban kay Santos na nagresulta ng palitan ng putok.

Narekober sa encounter site ang 1- M16 rifle; 2 hand grenades; 3 magazines ng M16; isang cal. 38; 11 bala ng cal. 38; 62 bala ng M16, iba pang personal na kagamitan at mga subersibong dokumento.

The post 2 NPA todas sa warrant sa Tarlac appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 NPA todas sa warrant sa Tarlac 2 NPA todas sa warrant sa Tarlac Reviewed by misfitgympal on Hulyo 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.