Facebook

General Ludan bagong RD ng PRO2

CAGAYAN VALLEY – Pormal na itinalaga bilang bagong regional director ng Police Regional Office 02 (PR02) si Brigadier General Steve Bentican Ludan matapos magretiro nitong Lunes si BGen. Crizaldo Nieves sa isinagawang turn over ceremony.

Nangako si Ludan na kanyang ipagpapatuloy at lalo pang paiigtingin ang mga programang sinimulan ng kanyang pinalitan.

Ayon kay Ludan, palalakasin niya ang kampanya laban sa insurhensiya, ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para maihatid ang serbisyo ng pulisya laban sa kriminalidad at ang pagpapaigting sa cleansing policy sa hanay ng PNP.

Plano din ng bagong direktor na magdagdag ng mga pasilidad lalo na sa crime laboratory.
Si Ludan ay tubong Tanudan, Kalinga; miyembro ng PMA “Tanglaw-Diwa” Class 1992, Presidente ng Philippine Military Academy Alumni Association Incorporated (PMAAAI), Founder ng Badang Kalinga, at nagsilbing direktor ng PNP Crime Laboratory bago siya itinalagang regional director ng PR02.

Samantala, nagpasalamat naman si Nievez sa lahat ng stakeholders na tumulong sa pulisya sa matagumpay na pagpapatupad nila ng kanilang mga programa at proyekto. (Rey Velasco)

The post General Ludan bagong RD ng PRO2 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
General Ludan bagong RD ng PRO2 General Ludan bagong RD ng PRO2 Reviewed by misfitgympal on Hulyo 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.