Facebook

‘Manyak’ na Bombay kulong sa sex video nila ng dating dyowa

ARESTADO ang manyakis na Bombay sa entrapment operation matapos ipanakot ang “sex video” nila ng dating kasintahan sa Antipolo City.

Kinilala ang nadakip na si Gumej Singh alyas “Tony Kasel Raja”, Indian national, nakatira sa naturang lungsod.

Itinago naman ang biktima sa pangalang “Lorna”, nasa hustong gulang at dating kasintahan ng suspek.

Sa ulat, 10:30 ng gabi ng July 18 (Linggo), humingi ng saklolo sa awtoridad ang biktima dahil sa mga banta ni Gumej.

Ikinasa ng pulisya ang entrapment sa isang food chain sa Masinag, Barangay Mayamot, kungsaan nadakip ang Bombay.

Sa salaysay ni Lorna sa pulisya, sapul nang kanyang hiwalayan si Gumej ay lagi na siya nitong tinatakot. Sinasabing kung hindi ito makipagtalik sa kanya ay ilalabas sa social media ang kanilang sex video at papatayin siya nito kasama ang kanyang mga anak. Isini-send pa ng Bombay sa kanyang FB messenger ang kopya ng kanilang sex video.

Naaresto si Gumej nang pumayag si Lorna na makipagkita ito sa ikinasang entrapment operation ng pulisya.

Narekober kay Gumej ang isang cellphone na isasalang sa digital forensic examination sa office of the Anti-cybercrime Group. Nakapiit na ito sa Antipolo City PNP. (Edwin Moreno)

The post ‘Manyak’ na Bombay kulong sa sex video nila ng dating dyowa appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Manyak’ na Bombay kulong sa sex video nila ng dating dyowa ‘Manyak’ na Bombay kulong sa sex video nila ng dating dyowa Reviewed by misfitgympal on Hulyo 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.