Facebook

Pulis huli sa kinuhang paniki

ARESTADO ang isang pulis at dalawang menor de edad nang maaktuhang nanghuhuli ng mga paniki sa Purok Guadalupe, Barangay Conel, General Santos City nitong Lunes, Hulyo 19.

 

Kinilala ang naarestong pulis na si  Staff Sergeant Ibanez Faldas.

 

Nakumpiska ng mga awtoridad ang 59 paniki, 6 motorsiklo at isang shotgun na walang serial number.

 

Dinala sa opisina ng Department of Social Welfare and Development – Region 12 ang dalawang menor de edad.

 

Nahaharap sa kasong paglabag sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act ang pulis.

The post Pulis huli sa kinuhang paniki appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pulis huli sa kinuhang paniki Pulis huli sa kinuhang paniki Reviewed by misfitgympal on Hulyo 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.