Facebook

Nasa huli ang pagsisisi: Bastos na anak ng Ex- Gov. Orbos nagsori!

NAGLABAS ng public apology si Franz Luke Orbos, anak ni dating Pangasinan governor at TV personality Oscar Orbos, nang mag-viral sa social media ang video nito na nagwawala at nang-iinsulto ng traffic enforcer at pulis.

“Like any human being, I have committed a mistake and I am prepared to suffer the consequnce of such. This incident has truly been a learning and humbling experience for me. It has moved me to rise above and beyond these unfortune circumstances and be a better person for my family, God, and country,” pahayag ni Franz Like Orbos.

Maaalalang nag-viral sa Facebook si Franz Orbos nitong Biyernes, Hulyo 17, matapos nitong bastusin ang mga pulis sa Muntinlupa habang ang mga ito ay nasa gitna ng kanilang mga trabaho.

Kita sa video na kumakalat, minumura at tinutulak ni Franz Orbos ang mga pulis na sinita sa iligal nitong pagparada ng sasakyan at ipinagmamayabang nito ang kanyang ama.

“Hindi niyo ba ako kilala? Alam niyo ba sino tatay ko?,” mariing sinisigaw ni Franz Orbos sa mga pulis.

Agad namang hinuli at kinasuhan ang lalaki ng Illegal Parking at Alarm and scandal, resistance and disobedience to a person in authority or agents, and direct assault.

The post Nasa huli ang pagsisisi: Bastos na anak ng Ex- Gov. Orbos nagsori! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Nasa huli ang pagsisisi: Bastos na anak ng Ex- Gov. Orbos nagsori! Nasa huli ang pagsisisi: Bastos na anak ng Ex- Gov. Orbos nagsori! Reviewed by misfitgympal on Hulyo 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.