Facebook

3 tulak huli sa P.5m shabu sa Valenzuela

ARESTADO ang tatlong tulak ng iligal na droga kabilang ang isang buntis nang makuhanan ng mahigit P.5 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Valenzuela city, Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga naaresto na sina Edgardo Dantes, 49 anyos, driver; Jovienal Nallano, 35, driver, kapwa ng Balanti St. Barangay Ugong; at Gina Tayahop, 30, ng Don Simeon St., San Agustin, Bgy. Mapulang Lupa.

Sa report, 8:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa loob ng Cats Mover Compound, 6059 Balanti St., Bgy. Ugong.

Nakuha sa mga suspek ang humigi’t kumulang sa 75 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P510,000.00, 3 cellphones, isang kulay gray na Mitsubishi Adventure, at isang kulay pula na Hyundai Eon. (Beth Samson)

The post 3 tulak huli sa P.5m shabu sa Valenzuela appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
3 tulak huli sa P.5m shabu sa Valenzuela 3 tulak huli sa P.5m shabu sa Valenzuela Reviewed by misfitgympal on Hulyo 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.