Facebook

Lalaki nabulag, kulong pa sa minartilyong baril

BADIAN, CEBU – Bulag ang kaliwang mata, at kulungan pa ang bagsak ng isang lalaki nang maputukan ng baril nang martilyohin nito ang hindi pumutok na baril nitong Linggo.

Kinilala ang lalaki na si Corlin Purisima, 28 anyos, residente sa Barangay Dagatan, Badian City.

Sa report ng Badian Police Station, 2:00 ng hapon nang maganap ang insidente.

Ayon sa ulat, bagong bili ni Purisima ang kanyang baril na kalibre .38 at sinubukan nitong paputukin pero pumalya. Sa inis, minartelyo ang baril at ito’y pumutok, nasapul ang kanyang kaliwang mata.

Sa pagresponde ng mga otoridad, naabutan si Purisima na naliligo sa sariling dugo. Nakuha sa kanya ang baril na may anim na bala.

Dinala sa ospital si Purisima para ipagamot ang tinamong sugat sa kaliwang mata at kakasuhan ng illegal possession of firearm and ammunition.

The post Lalaki nabulag, kulong pa sa minartilyong baril appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lalaki nabulag, kulong pa sa minartilyong baril Lalaki nabulag, kulong pa sa minartilyong baril Reviewed by misfitgympal on Hulyo 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.