Facebook

Misis ng ASG sub-leader timbog sa Sulu

NADAKIP ang misis ng isang sub-leader ng teroristang Abu Sayyaf Group nitong Sabado sa Jolo, Sulu.

Sa ulat ng Joint Task Force Sulu, nahuli ang misis ni ASG sub-commander Mundi Sawadjaan nang salakayin ang isang bahay sa Barangay Bus-Bus, kungsaan nakuha ang 2 grenade, 2 bote ng ammonium nitrate fuel oil, 2 piraso ng detonating oil, at isang safety fuse.

Ikinasa ang operasyon nang makatanggap ang mga awtoridad ng ulat na nasa lugar si Sawadjaan.

Nadatnan din ng mga awtoridad sa bahay ang 4 na bata na dinala sa Ministry of Social Services and Development.

Nasa kustodiya ng Jolo Municipal Police Station ang babae na mahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Terrorism Act of 2020.

Kilala si Sawadjaan sa paggawa ng mga pampasabog para sa ASG at sinasabing nasa likod ng kambal na pagsabog sa Jolo noong Agosto 2020, na pumatay sa hindi bababa sa 15 tao.

The post Misis ng ASG sub-leader timbog sa Sulu appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Misis ng ASG sub-leader timbog sa Sulu Misis ng ASG sub-leader timbog sa Sulu Reviewed by misfitgympal on Hulyo 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.