Facebook

Usapang lasing: Di nag-ambag sa inuman, nanaga pa!

WANTED ngayon ang isang lalaki matapos tagain ang kainuman nang magtalo sa hindi pag-ambag nito sa pagbili ng alak sa Dongon West, Numancia, Linggo ng gabi.

Kinilala ang salarin na si Nolly Regalado ng Bubog, Numancia; at ang biktima ay si Rogelio Tayco, 40 anyos, ng Dongon West.

Ayon sa Numancia PNP, magkasamang nag-inuman ang dalawa sa bahay ng kanilang kaibigan, subali’t nagkadiskusyon ang mga ito dahil sa kanilang kalasingan.

Sinita umano ng biktima ang salarin sa hindi pagbigay ng ambag pambili ng alak, dahilan na ikinagalit ni Regalado. Kumuha ito ng gulok at tinaga sa ulo at balikat si Tayco na kaagad namang dinala ng mga taga MDRRMO Numancia sa ospital.

Kaagad namang tumakas si Regalado matapos ang insidente at nananatiling at large habang sinusulat ang balitang ito.

The post Usapang lasing: Di nag-ambag sa inuman, nanaga pa! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Usapang lasing: Di nag-ambag sa inuman, nanaga pa! Usapang lasing: Di nag-ambag sa inuman, nanaga pa! Reviewed by misfitgympal on Hulyo 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.