LABIS na ikinatuwa ng mga graduating grade 12 students mula sa public high schools sa lungsod ng Taguig ang tinanggap na P15,000 ‘cash incentives’ upang magamit ng mga ito sa pagtungtong nila sa kolehiyo o unibersidad ngayong panahon ng pandemya.
Ang voucher certificate na mayroong halagang P15,000 ay inilaan sa mga students achievers mula sa ilalim ng Lifeline Assistance for Neighbors In-Need (LANI) Scholarship program, sa isang kondisyon na mag-enroll sila ng kahit anong tech-vocational, certificates o kaya baccalaureate course.
“This voucher isa oart of the LANI Scholarship Program that pursuades graduates to take up tertiary education.To our beloved students, we have faced so much this year, let us you get inspiration from this graduation. We will not abandon you. We are a loving and nurturing community, we are one family,” ayon sa isang mensahe na ipinadala ni Mayor Lino Cayetano para sa graduating batch students
Nabatid na ang lahat ng Top 1 graduating students na nagmula sa grade 6, 10 at 12 ay nakatanggap ng cash incentives na P15k habang ang Top 2 ay P12,500 samantalang sa Top 3-10 elementary students ay binigyan din ng P5,000 habang ang completers at seniors high students ay nakatanggap ng P7,500.
Ang Taguig City government ay naniniwala sa kahalagahan ng edukasyon kaya’t ipagpapatuloy nito ang karapat dapat na gantimpala sa mga mag-aaral na Taguigenyo. (Jojo Sadiwa)
The post TAGUIG GOV’T, NAGBIGAY NG P15K ‘CASH INCENTIVES’ SA GRADE 12 STUDENTS appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: