Facebook

Unang sigaw, unang singaw!

NILARO na ang mga unang game sa PBA sa Ynares Sports Arena sa Shaw Blvd (na tinutulak natin maging J, R Salonga Blvd) sa siutydad ng Pasig.

Base sa mga laban sa lungsod ni Vico Sotto ay angat ang Meralco. Mangyari ay nakadalawang panalo na ang Bolts nitong weekend. Eka ni Bolts coach ay ito na ang pinakamalakas nilang line-up mula nang hawakan niya ang koponan. Dalawang big men ang nadagdag sa kanila. Una si Raymond Almazan na sinundan ni Mac Belo. Bukod pa sa pag-reactivate nila kay Nonoy Baclao. Naging biktima nila ang San Miguel Beermen at ang Northport

Isa pang prangkisa ang naka 2-0 ay ang Rain or Shine na ginapi ang NLEX at Blackwater.

Di naman nasiyahan sa kanyang pagbabalik si Coach Chot Reyes kahit panalo ang Talk N Text kontr5a Terrafirma.

Ang mga taga Dyip ay meron pang mga bagong hoodie na may kadugtong na facemask sa kagandan loob ng kanilang oufitter na Black Top Ph ni AC Valdenor.

Ireng Magnolia ay ganadong nagwagi vs Blackwater. Ganda pinakita ni ex-Bossing na si Calvin Abueva.

Samantala isang W na lang ang Bucks sa Suns sa kanilang serye upang maiuwi ang NBA trophy. Maaaring maganap yan sa Miyerkules.

Pero teka, unang sigwada pa lang yan. Tingnan natin kung paano mag-adjust ang mga team sa isa;t isa.

***

Marami nagsasabi na KO ni Manny Pacquiao si Alfonso Cusi nguni’t nakabawi ang Energy Secretary sa susunod na round.

Na-TKO naman niya si Mane sa 2nd round sa gulo nila sa partido. Abangan ang saklolo ni Koko kay Pakyaw at ni Digong kay Cusi.

***

Nagkaroon ng mix-up sa sked natin sa OKS. Kahapon pala ang guesting ng Fighthing Fortaleza Brothers sa tuwing Lunes nating programa sa DWBL 1242 khz. Muli idiniin nina Rey, Ric at Roger sa palatuntunan na matutunghayan din sa YouTube at FB Live ang laki ng utang-loob nila sa Far Eastern University ang pag-aaral nilang magkakapatid.

Gayon din labis na nagpapasalamat sa amang si Reynaldo Sr ang mga kampeong boksingero. Ang magandang vision daw ni Mr Reynaldo Fortaleza Sr ang naging daan nila sa kani-kanilang mga tagumpay.
***
Natatandaan pa ba ninyo ang pelikula nina Dolphy at Nino Muhlach na Ang Tatay Kong Nanay? Ngayon nagmistulang Nanay Kong Tatay si VP Leni Robredo. Literal at figurative yan. Alam na this.

The post Unang sigaw, unang singaw! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Unang sigaw, unang singaw! Unang sigaw, unang singaw! Reviewed by misfitgympal on Hulyo 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.