MAIBA na kaya ang kapalaran ni Jae Crowder ngayon season ng NBA? Minalas siya noong isang taon bilang Heat nang talunin sila ng Lakers sa Finals sa Disney bubble. Siyempre mabigat ang laban dahil LeBron James at Anthony Davis ang ang dapat nilang daigin kaso kinapos sila, 2-4.
Ngayong miyembro siya ng Suns ay palarin na kaya ang 6’6 na forward na umakyat sa pro noong 2012 bilang draftee ng Cleveland?
Paborito sila na manalo sa Bucks dahil sa kanilang mas magandang rekord sa liga. Bukod sa kakampi niya ang beteranong si Chris Paul ay nandiyan pa rin ang mas batang sina Devin Booker at Deandre Ayton. Tapos may iniinda pang injury ang superstar ng Milwaukee na si Giannis Antetokounmpo.
Eka nga ni Ka Berong ay magkaka-ring na rin sina Jae, Chris, Devin, Deandre at mga kasama sa Phoenix.
Nobody should crowd Crowder now.
***
Ang isang nakakaintrigang tanong natin sa Fortaleza Bros nang maging panauhin natin sila sa Boomers Banquet ay paano kung sila ang nagkatapat sa isang laban.
Siyempre nag-iiwasan sila na magkaparehas ng division. Flyweight at bantamweight sila o kaya sa youth ang isa at sa men’s na kategorya ang isa pa.
Kaso may pagkakataon na nagkaharap sa dulo sina Rey at Roger. Sa 18 under lang dapat si Roger kasali pero napunta siya minsan sa parehong grupo ng Kuya Rey niya.
“Dalawang taga-AFP ang naging katunggali namin sa semis ni utol at kapwa namin tinalo,” kwento ng mas batang Fortaleza.
“Hayun kami ang nagbakbakan para sa ginto, komo mas pogi si Kuya Rey ay siya nagwagi,” dugtong ni Roger na survivor sa sakit na cancer.
Para kay Ric naman noon na siyang coach na nila ay tingin niya ayaw makasakit sa matandang kapatid ireng si Roger.
Ganoon din daw si Rey na pigil ang mga binibitiwang suntok sa kaputol niya na higit na mura ang edad.
***
Posibleng mahati ang mga PBA Legends sakaling tumakbo yung anak at julalay ng pangulo bilang kahalili niya sa 2022.
Tapos nandiyan pa si Mane na minsan naging bahagi ng propesyunal na liga.
May maka-Inday na walang H tulad ni Ejay Fheil. May pro-Go din tulad ni Alvin Patrimonio. Siyempre si Kenneth Duremdes papanig kay Pakyaw dahil siya ang commissioner ng MPBL ng senador na boksingero, Pati si Zaldy Realubit na Assistant ni Captain Marbel sa patorneo ng anak ni Aling Dionesia.
The post Crowding Crowder! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: