SA wakas ay binigyan na rin ng go-signal nang Inter-Agency Task Force ang PBA na buksan ang kanilang 46th season sa July 16 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City matapos ang ilang buwan na pagkaantala dahil sa COVID-19 situation.
Ginawa ni Games and Amusement Board chairman Baham Mitra ang anunsyo sa government agency’s monthly meeting kahapon, na ang PBA ay puwede ng ipagpatuloy ang kanilang plano na ilunsad ang two-conference season sa ilalim ng closed-circuit setup.
Ang Ynares Sports Arena sa Pasig City, na matatagpuan malapit sa dating Rizal provincial capitol na naging commercial area, ang maging venue para sa season matapos pahintulutan ng local government unit ng siyudad.
Ang desisyon ay lumabas dalawang araw matapos ipresenta ni PBA commissioner Willie Marcial ang kaso na simulan ang season sa IATF technical group, dahil sa tagumpay ng nagpapatuloy na closed-circuit praktis sa labas ng NCR Plus bubble.
Tiniyak rin ni Marcial na halos 95 percent ng PBA players,coaches at staff ay nabakunahan na.
Ang setup na gagamitin ng PBA ay ang protocol na ipinatupad sa ilalim ng Joint Administrative Order ng GAB,Philippine Sports Commision at Department of Health.
“The recommendation of the professional sports division (GAB) was taken into consideration by the technical working group, that’s why the PBA went directly to the IATF because if it is part of the JAO then they didn’t have to go to the IATF,” Wika ni Mitra.
“And on record, we were present in the technical working group and asked that the request be approved and that the DOH, the PBA and the GAB will just sit down and amend the supplemental JAO.
“As it is, it is not in the JAO, but since the IATF has already approved it, we will include it in the JAO,” dagdag pa ni Mitra.Sa ilalim ng inaprobahang protocols, ang fans ay pinagbabawal na dumalo sa laro bilang bahagi ng mahigpit na health at safety measures para matiyak na walang infections na iisturbo sa PBA season.Sinabi ni GAB commissioner June Bautista, na namumuno sa professional sports division, na ang PBA ay tutugon sa mandatory RT-PCR test bawat kalahok, tuwing 10 araw para sa vaccinated at tuwing 7 araw para sa non-vaccinated.
The post PBA bubulaga sa July 16 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: