ISANG anti-corruption watchdog ang humiling kay Finance Secretary Carlos “Sonny” Dominguez III na isailalim ang ilan sa mataas na opisyal ng Bureau of Customs (BOC) kabilang na dito ang mga maimpluwensiya at well-connected Customs Collectors na namumuhay “beyond their means” at naging lantarang magarbo sa kanilang pamumuhay.
Ayon sa report na nakarating sa inyong lingkod, marami sa mga opisyal ng Bureau of Customs ay overstaying na sa kanilang mga posisyon o kung hindi man ay pabalik-balik lamang sa mga juicy positions kung sakali mang nare-reshuffle lalo na kung may “pressure” galing sa itaas o nasabit sa isang kontrobersiya.
Isa sa mga tinutukoy na opisyal ng BOC ay itong si MADAM M na umano’y may magarbong lifestyle at nagmamay-ari ng hindi maipaliwanag na yaman.
SI MADAM M umano ay palipat-lipat lamang sa mga sangay ng Bureau of Customs na masasabing “juicy positions” dahil na rin sa na-established nitong connections sa mga pulitiko at opisyal ng pamahalaan.
Inilarawan si Madam M bilang isang magarbong opisyal na nagmimintine ng magagarang sasakyan kabilang na dito ang isang bullet-proof na Black Toyota Land Cruizer na nagkakahalaga ng kulang-kulang sa Php10M.
Bukod sa pagkahilig nito sa mamahaling kotse, may mga condominium units din ito, mansion at resthouses na kataka-takang nabili sa loob ng panahong nananatili ito bilang opisyal ng BOC.
Open secret din ang paggastos nito ng malaking halaga sa kanyang pagpaparetore ng mukha at katawan sa isang sikat na cosmetic surgeon.
Bukod pa dito ang pagkahilig din ng BOC lady official sa mamahaling mga baril gaya ng Uzi machine pistols, Glock hand guns at iba pang mamahaling baril.
Ito rin umano ang magarbong inireregalo ni Madam M sa kanyang mga kaibigan at paboritong mga “playmate” o flavor of the month hombre.
Ayon sa pinakahuling nakalap na impormasyon, nakahanda nang isumite ng nasabing anti-corruption watchdog ang manifesto ng ilang dismayado at demoralisadong tauhan at opisyales ni Madam M na umano’y tinarahan ng lady official para mangurakot sa kanyang tanggapan.
Batay sa nasabing classified info, tinatarahan as in (hinihingian ng lingguhan tarya) hindi lamang ang mga “players” sa Bureau of Customs kundi ang mga mismong Customs examiners at appraisers.
Aktibong-aktibo umano sa opisina ni Lady Official ang tinaguriang “quota system” na lingguhang inihahatid dito.
Isa rin umano si Madam M sa target na subject ni Senator Manny Pacquiao na nakapaloob sa corruption expose’ ng senador.
Ayon sa di pinangalanang legal adviser ng senador, isa si Madam M sa mga corrupt officials ng BOC na nakatakdang imbestigahan ng Blue Ribbon Committee ng Senado.
Nang sadyain ng media at makapanayam ng personal si Senator Dick Gordon, hindi nito direktang tinukoy na nasa listahan na isinumite ng Legal Staff ni Senator Pacquiao ang Bureau of Customs (BOC) ngunit nilinaw nito na noon pa man ay may mga dokumento ng pinanghahawakan ang kanyang komite na nagtuturo sa ilang corruption activities na nagaganap sa bakuran ng Aduana partikular na sa mga Puerto nito na pinamumunuan ng mga overstaying and highly questionable officials.
Nang banggitin ang pangalan ni Madam M kung isa nga ito sa mga sinasabi ni Senador Gordon, ngumiti lamang ang mambabatas at sinabing hintayin na lamang kung ipapatawag ito (Madam M) sa hearing ng Senado na ayon pa kay Gordon ay isasapubliko at definitely ay may full media coverage.
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post Da who? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: