ISINARA nitong hunyo 29, ang tanggapan ng Philippine Statistic Authority (PSA-MIMAROPA) dahil offline umano at hindi sumusunod ng mga tao sa health protocol.
Dismayado ang mga taong nakapila sa tirik na araw lalo na yong mga galing sa malalayong bayan tulad ng Roxas, Mansalay, Bulalacao at Occidental Mindoro na malaki ang ginastos na pamasahe at pagod sa byahe sa haba ng pila.
Bigla umanong isinara ang tanggapan ng PSA MIMAROPA kung saan napakaraming tao na umaga pa lang ay nakapila na.
Ayon sa ulat pinagsisigawan umano ang mga nakapila ng mga empleyado ng PSA at tinakot na ipapa-pulis kung hindi susunod sa health protocol.
Ayon sa mga nakapila na mula pa sa ibat-ibang bayan masama ang kanilang loob, pwede naman umanong sabihan ang mga tao sa maayos na pamamaraan lalo na’t mga empleyado sila ng gobyerno.
Katwiran umano ng PSA-MIMAROPA, wala pang maliwanag na sagot sa kanila ang Globe Telecom ukol sa problema nila na linya.
Subaybayan natin!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!
The post Dahil sa hindi pagsunod ng mga tao sa health protocol, PSA-MIMAROPA biglang isinara appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: