Facebook

Kulang sa Paghahanda at Responde

IT has been heartbreak after heartbreak of people dying without having been given a fighting chance because of a system that is failing us.
— Vice President Maria Leonor ‘Leni’ Robredo

PASAKALYE:

Text message . . .

Tutol ang National Task Force Against Covid-19 (NTF) sa pag-alis ng face shield . Iyan ba naman ay pagtatalunan pa? 90 porsyento ng gumagamit ng shield ay ginagawa lang headband ito pero walang sumisita at gaun din sa face mask na nasa baba o leeg. Mga g-g- kayo, ipatupad ninyo ng mahigpit para hindi kayo magmukhang g-g-.

Ang Department of Tourism (DoT) naman todo deny sa pagbukas ng turismo sanhi ng pagtaas ng Covid cases sa mga probinsya. Iyan ang walang kuwentang ahensya na walang malasakit sa kaligtasan ng mamamayan.

Pagkakalbo ay sanhi raw ng Covid-19 pero wala pa ding sapat na ebidensya. Pati ba naman ang pagkakalbo ay nasama sa usapin ng Covid! E ang butas-butas na bituka ng mahihirap, hindi ba sanhi rin ng pandemic? Kasi kulang-na-kulang ang malasakit ng gobyerno at napakabagal pa! Huwag sa Covid lang kayo nakatutok. Higit na mga pangangailangan ng taongbayan ang tutuakn n’yo. Mas marami ngayon ang namamatay sa pagkakasakit at gutom kung ihahambing sa Covid.

At mga empleyado ng mga public hospital ay bibigyan daw ng allowance. Hahaha. Matagal nang sinabi ‘yan. Juan po. — Juan ng Tondo (09094818…, 10:18, June 21, 2021)

REAKSYON:

Sa lahat ng mga nakikita natin, nabablitaan at naririnig na usap-usapan at maging ang mga deklarasyon at anunsyo ng ating pamahalaan ay may iisa lamang na indikasyon: Tunay na kulang-na-kulang ang paghahanda at responde ng ating mga pinuno at awtoridad para matugunan ang problema sa Covid-19.

Sadyang hindi pinag-iisipang mabuti kung anuman ang kanilang gagawin, ibabalangkas na polisiya at wastong tugon sa mga suliranin na bunsod ng pandmeya kaya hanggang ngayon ay para bang nasa simula pa lang tayo ng krisis na nangangapa kung paano at ano ang gagawin para matiyak ang kapakanan ng bansa at ng taongbayan.

Kaya mas makakabuti kung mag-kanya-kanya na lamang tayo para mapangalagaan natin ang ating sarili at mga mahal sa buhay. Kumbaga, kung ayaw n’yo magsuot ng face mask at face shield ay bahala na kayo—basta ak, titiyakin kong susundin ko ang mahahalagang payo ng mga eksperto para matiyak din na hindi ako dadapuan ng Covid-19.

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

The post Kulang sa Paghahanda at Responde appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kulang sa Paghahanda at Responde Kulang sa Paghahanda at Responde Reviewed by misfitgympal on Hulyo 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.