Ni Archie Liao
ISANG regional film project at tatlumpu’t tatlong production companies, institutions at organizations ang bumubuo ng delegasyon ng Pilipinas sa La Fabrique Cinéma de l’Institut français at Marché du Film ng Cannes Film Festival ngayong taon.
Itinatag noong 1959 sa ika-13 edisyon ng Festival de Cannes, ang Marché du Film ay kumakatawan sa business side ng nasabing prestihiyosong international filmfest na ang film industry professionals ay nagkakaroon ng pagkakataon para makapag-explore ng mga bagong film projects at makakuha ng bagong insights sa itinuturing na pinakamalaking merkado ng mga pelikula sa buong mundo.
Kahit online ang events sa Marché du Film ngayong taon, kasama rin sa online platform nito ang live at real-time meetings para maisakatuparan ang business and networking para sa film industry professionals sa buong mundo.
Sa Pilipinas, 37 ang delegadong dadalo na nagmula sa Producers Network at Filipino Film Producers.
Ang mga kinatawan ng bansa ay ang Atom & Anne Mediaworks Corp., Chimera Visions, Creative Caboose, Digital Dreams Inc., Globe Studios, IndieGo Pictures Entertainment Inc., Rein Entertainment Productions, at RR Entertainment.
Kasama rin sa participating companies ang ABS-CBN Film Productions, Amaya Films, Animation Vertigo Asia, Inc., Binisaya Movement Inc., Cignal TV Inc., Daluyong Studios, Eichief Media/HFilms, Epicmedia Productions Inc., ERK Productions, Filcor Media and Events Production, Firestarters, Fullhouse Asia Production Studios, Inc., Heartleaf Film Production, Heaven’s Best Entertainment, IRONoriel Productions, Ladder Production Films, Lakan Media Creatives, Mandala Video and Event Productions, Micromedia Digital Video Productions, QCinema, Reelabilities Studios, Sine Abreno, Ursa Studios Inc., UXS Inc., at Vineyard Films.
Bukod sa online networking events, may pagkakataon din ang mga delegado na makadaupang palad ang potential business partners.
May libreng subscription din sila sa Cinando para mai-feature ang kanilang company profiles sa Marché du Film publication.
May access naman ang mga producers sa Producers Network sa Producers Network Programs at Meetings.
Ang Marché du Film ay gaganapin mula Hulyo 6 hanggang 15 in hybrid (live at online) format samantalang ang ika-74 edisyon ng Festival de Cannes ay idaraos mula Hulyo 6 hanggang 17 via streaming.
“Over the years, the prestigious film market in Cannes has made international partnerships and collaborations available for our filmmakers. This year, regardless of the market being held online, it will continue to provide the same opportunities and experience that will greatly benefit our filmmakers in the industry,” ayon kay Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson at CEO Liza Diño.
Speaking of Cannes, ang “Dancing the Tides” by Xeph Suarez ay napiling kinatawan sa 2021 edition ng La Fabrique, ang film lab ng Cannes Film Festival.
Ang pelikula ni Suarez ay tumatalakay sa kuwento ng isang Muslim na transwoman na na nagngangalang Astri, na maligayang namumuhay sa piling ng kanyang nobyo sa isang konserbatibong komunidad.
Mababago ang kanyang buhay nang atasan siya ng kanyang amang pahalagahan ang kanilang tradisyon na magpakasal sa isang babae ayon sa kanilang kinagisnang tradisyon.
Noong 2019, naging kalahok ang pelikula sa FDCP’s 1st Southern Voices Film Lab (SoVo Lab) kung saan nakakuha ito ng development fund na nagkakahalaga ng PHP 100,000. Sa kaparehong taon, ang proyekto ay napili rin sa First Cut Lab Manila na sinuportahan ng ahensiya.
Naging delegado rin si Suarez sa Southeast Asia Fiction Film Lab (SEAFIC) at sa sumunod na taon, ang kanyang obrang “Dancing the Tides” ay naging kalahok sa Pustnik Screenwriters Residency 2020 at Ties That Bind 2020.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Marché du Film,bisitahin ang https://www.marchedufilm.com/.
The post ‘Dancing the Tides,’ 33 Pinoy Production Companies kalahok sa Cannes Lab, Online Film Market appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: