Facebook

Deklarasyon ng Filipino Social Workers’ Day, pinuri ni Sen. Bong Go; Mahalagang papel ng mga social workers sa komunidad, kinilala

PINURI ni Senador Christopher “Bong” Go si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagdedeklara sa Hunyo 19 ng bawat taon bilang Filipino Social Workers’ Day upang kilalanin ang mahalagang papel at hindi matatawarang kontribusyon ng mga social workers sa bansa, partikular na sa pagsusulong ng kapakanan ng mga mahihirap at vulnerable sectors sa lipunan.

“Sinusuportahan at kinokomendahan ko ang deklarasyon ng June 19 bilang Filipino Social Workers’ Day upang magsilbing paalala sa lahat ng mga Pilipino sa serbisyo na iginagawad sa lipunan ng ating mga magigiting at masisipag na social workers,” ayon kay Go.

“Sa gitna ng pandemya, hindi po tumigil ang ating social workers na magtrabaho upang gampanan ang kanilang tungkulin sa kanilang mga kababayan. Napakaliit na bagay po nito kumpara sa mga sakripisyo nila, lalu na sa gitna ng kasalukuyang pandemya,” aniya pa.

Pinasalamatan din ng senador ang mga social workers dahil sa pagtiyak ng mga ito na ang serbisyo publiko ay makararating sa mga Pinoy na nasa malalayo at liblib na komunidad.

Partikular na kinilala ni Go ang mga taong tumutulong sa pagkakaloob ng mga pangangailangan ng mga pasyente at benepisyaryo ng 125 Malasakit Centers na itinayo sa buong bansa.

“May mga social workers at personnel na nasa mga Malasakit Centers para tumulong sa ating mga kababayan. Kung hindi po dahil sa kanila, hindi magiging buo at makararating sa ating mga kababayan ang serbisyo galing sa mga center na ito,” ani Go.

Sa Proclamation No. 1176, na nilagdaan noong Hunyo 25, iminamandato sa Department of Social Welfare and Development na pangunahan, makipag-coordinate at pangasiwaan ang nationwide observance ng Filipino Social Workers’ Day.

“Sa mga panahong ito kung saan andyan ang banta sa kalusugan at buhay ng ating mga mamamayan, pinili ng mga kawani ng pamahalaan na magsilbi sa bayan. Imbes na uunahin nila ang kapakanan ng kanilang pamilya, ninais nilang patuloy na magtrabaho sa kani-kanilang mga opisina upang hindi maputol ang mga serbisyo ng pamahalaan para sa lahat,” ani Go. “Nararapat lamang na kilalanin at bigyan ng pagpapahalaga ang mga sakripisyong ito.”

Inisyu rin ni Pang. Duterte ang Administrative Order No. 43 na nagkakaloob ng hazard pay sa mga government personnel.

“The government workers who still go to work during this time put their lives at risk, so they deserve proper compensation. The service that they are giving to the Filipino people is priceless. Granting them hazard pay is the least that we can do for them,” anang senador. (Mylene Alfonso)

The post Deklarasyon ng Filipino Social Workers’ Day, pinuri ni Sen. Bong Go; Mahalagang papel ng mga social workers sa komunidad, kinilala appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Deklarasyon ng Filipino Social Workers’ Day, pinuri ni Sen. Bong Go; Mahalagang papel ng mga social workers sa komunidad, kinilala Deklarasyon ng Filipino Social Workers’ Day, pinuri ni Sen. Bong Go; Mahalagang papel ng mga social workers sa komunidad, kinilala Reviewed by misfitgympal on Hulyo 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.