Pinatitiyak ng National Telecommunications Commission (NTC) ang kahandaan ng mga telco sa kasagsagan ng aktibidad ng Bulkang Taal.
Sa inilabas na memorandum ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, pinatitiyak nitong handa ang sapat na bilang ng technical at support personnel ng mga telco.
Pinatitiyak din ng NTC na mayroong naka-standby na generators at iba pang kagamitan sa mga lugar na apektado at maaring maaapektuhan pa ng pag-aalburuto ng bulkan.
Ayon kay Cordoba, dapat ding magtalaga ng Libreng Tawag at Libreng Charging Stations sa mga evacuation sites ng Provincial Government ng Batangas.
Paalala ni Cordoba sa mga telco, dapat din silang makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan hinggil sa ipinatutupad na health ang safety protocols.
The post TELCOS INATASAN NG NTC NA MAGING HANDA SA PATULOY NA PAG-AALBUTO NG BULKANG TAAL appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: