NAUUNAWAAN namin kung bakit nag-aapura si Kiko Pangilinan na kausapin ang ilang karakter sa pulitika ng bansa. Maliban kay Leni Robredo na hanggang ngayon ay walang plano na tumakbo sa panguluhan sa 2022, walang malakas na kandidato ang Liberal Party. Ngunit pawang hindi katanggap-tanggap sa puwersang demokratiko na kinakausap ni Kiko ang mga pulitiko na pro-Duterte. Maaaring magkaroon ng kandidato ang LP sa 2022 ngunit hindi tutulong ang mga puwersang demokratiko sa kampanya. Iyan ang end game ng kasalukuyang laro ni Kiko Pangilinan at Leni Robredo.
Maiging maintindihan na malawak na hanay ng puwersang naniniwala sa demokrasya, o ang pangunahing ideolohiya ay liberal democracy. Sila ang puwersang naniniwala na ang Saligang Batas ng 1987 ang pangunahing sandigan ng ating pagkabansa, o ang kaluluwa ng Filipinas. Sila ang puwersa na nananalig sa pangingibabaw ng batas (rule of law) at tamang proseso (due process). Sila ang naniniwala sa karapatang pantao (human rights), children’s welfare (kabutihan ng mga bata), at climate change.
Kabilang sa puwersang demokratiko ang oposisyon, o ang mga lapian, grupong puliitikal, at mga nilalang na hindi kabilang – at sumusuporta – sa naghaharing koalisyon. Kinakatawan ng 1Sambayan ang koalisyon ng mga puwersang demokratiko. Hindi opisyal na kabilang ang Liberal Party sa 1Sambayan. Hindi ito sumama sa 1Sambayan dahil sa paniniwala ng kanilang lider tulad ni Leni Robredo at Kiko Pangilinan na hindi nila kailangan ang koalisyon ng puwersang demokratiko at balak ng Liberal Party na maglayag mag-isa.
Hindi ganoon kadali isakatuparan ang plano ng Liberal Party dahil napagkaisa ng 1Sambayan ang koalisyon ng puwersang demokratiko. Malinaw ang kanilang proseso sa pagpili ng opisyal na kandidato ng oposisyon na lalaban sa sinumang kandidato ng nalulusaw na naghaharing koalisyon. Hindi si Leni sapagkat wala siyang plano na tumakbo sa panguluhan sa 2022. Hindi si Isko dahil hindi siya naniniwala sa demokrasya at oportunismo ang kanyang pulitika. Hindi si Mane Pacquiao dahil hindi siya tinanggap ng 1Sambayan.
Lumilitaw na si Sonny Trillanes ang tanging pulitiko na may matingkad na pag-asa na maging opisyal na kandidato ng 1Sambayan. Siya ang alternatibo kay Leni na bantulot na sumabak sa 2022. Siya ang matapang at may dibdib na sumagupa sa puwersa ng awtoryanismo, o populismo, sa 2022. Siya ang tao na buo ang loob na katawanin ang puwersa ng demokrasya sa bansa. Sa maikli, siya ang lalaki na handang ilaban ng batbatan ang bayag. Alam natin na hindi uurong si Sonny Trillanes kontra kay Rodrigo Duterte.
Kumawala si Sonny Trillanes sa naunang kasunduan at koalisyon sa Liberal Party. Walang komitment si Trillanes at Magdalo sa Liberal Party. Samakatuwid, hindi hawak ng Liberal Party si Trillanes. Hindi nila madidiktahan o maiimpluwensiyahan si Sonny Trillanes. Ang komitment ni Sonny Trillanes ay sa 1Sambayan. Pumayag siya na sumailalim sa napagkasunduang proseso ng koalisyon ng puwersa ng demokrasya ng bansa.
Samantala, iba ang Liberal Party sa ngayon. Hindi ito ang Liberal Party ng mga magigiting na lider tulad ni Jovito Salonga, Ninoy Aquino, at Gerry Roxass. Hindi ito ang Liberal Party ni Noynoy Aquino at Mar Roxas. Liberal Party ito ni Kiko Pangilinan at Leni Robredo na hindi nangingimi na palawakin ang lapian kahit isama ang mga karakter na sumuporta sa madugong rehimen ni Duterte at kasabwat. Iba ang direksyon ng Liberal Party sa ilalim ni Kiko at Leni. Papunta ito sa direksyon ng oportunismo.
Hindi kami nagtataka kahit bahagya nang ipahayag ni Kiko na kinakausap niya ang ilang hindi mapapagkatiwalaang tao tulad ni Mane, Isko, Ping Lacson, Joel Villanueva, at Bebot Alvarez. Kinakausap para saan? Hindi mahirap unawain ang inisyatiba ni Kiko sapagkat walang malakas na kandidato ang Liberal Party. Kinukumpira ni Kiko na hindi tatakbo si Leni sa panguluhan at namumulot sa basurahan ang Liberal Party ng kandidato na itatapat sa kandidato ni Dutertte.
***
Hindi mahirap lunukin at tanggapin si Sonny Trillanes bilang opisyal na kandidato ng 1Sambayan sa 2022. Taglay ni Trillanes ang mga katangian ng totoong oposisyon. Bahagi sa kanyang programa sa gobyerno kung mahahalal sa 2022 ang madaliang pagpapakulong kay Duterte at mga kasapakat sa sa kanilang kasalanan sa sambayanang Filipino. “Ipakukulong ko si Duterte at mga kasama” – tahasan niya na sinabi sa isang panayam.
Maraming isyu kay Duterte. Kasama diyan ang walang habas na patayan sa ilalim ng madugo at bigong digmaan Papanagutin si Duterte sa mga patayan. Sa kasalukuyan, nasa proseso ang sakdal na crimes against humanity na iniharap ni Sonny Trillanes at Gary Alejano sa International Criminal Court (ICC). Kapag nagtuloy-tuloy ang kaso, hindi malayo na si Sonny Trillanes ang magdadala kay Duterte at mga kasapakat sa ICC. Dadalhin niya sila sa mga kinatawan ng ICC ng mga nakaposas.
Papanagutin si Duterte sa malawakang korapsyon sa gobyerno na sa kanyang tantiya ay umaabot ng P1 trilyon ang nawawala sa korapsyon kada taon sa kaban ng bayan. Maraming opisyales ang papangalanan ni Sonny Trillanes na sangkot sa korapsyon at papangalanan niya at huhubaran sa publiko sa kampanya. Sa maikli, nahaharap sa sakdal at kulungan ang mga ito.
Sasampahan ni Sonny Trillanes si Duterte, Bong Go at iba pa dahil sa kanilang pagtraydor sa Filipinas at pagkampi sa China sa usapin ng pangangamkam ng teritoryo ng Filipinas sa West Philippine Sea. Inipon ng Magdalo ang mga ebidensiya kontra Duterte at ihaharap ang mga ito sa hukuman sa sandaling bumaba si Duterte sa puwesto. Totoong sasakit ang ulo ni Duterte sa dami ng sakdal na ihaharap sa kanya sa hukuman.
Hindi pahuhuli ang mga sakdal tungkol sa kapalpakan ng pagharap, paglaban, at pagsugpo sa pandemya. Malaking pondo sa ilalim ng dalawang batas sa Bayanihan to Act as One ang nawala na lang ng basta at kailangan papanagutin si Duterte at mga kasama sa nawalang pondo. Marami pang haharapin si Duterte kung sakaling mahalal si Sonny Trillanes sa 2022.
***
MGA PILING SALITA: “The Duterte-Pacquiao tiff does not contribute to a healthy political discourse because it reeks with gutter politics and personal ambitions. It is a non-event, even a looming threat to our future and democracy. A win for either of them does not strengthen our democratic institutions. Mababaw. Their childish antics do not target the core of our problems. Duterte is fighting for self-preservation. Pacquiao is suffering from an extreme case of messianic complex. Their only common bond is their lust for power. I wish the roster of candidates and the debate are more ideological, principled, and patriotic. But they’re not because some Filipinos, whether by choice or genetic predisposition, no longer use their brains when choosing their leaders.” – Mashmur Sinsuat Glang, netizen
“The madman is lameduck – powerless, helpless, and toothless. Proof: PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar reiterates the PNP will not arm its civilian volunteers. The latter, like any citizen, could apply for a gun permit and should comply with the requirements.” – PL, netizen
***
Email:bootsfra@yahoo.com
The post Hindi hawak si Trillanes appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: