Facebook

Detachmet commander na palaging nakasimangot

SINO ba itong detachment commander ng isang presinto na nasasakupan ng Manila Police District (MPD) na palaging nakasimangot?

Sino ng ba itong detachment commander na ito na kahit minsan ay hindi mo makikitang naka-ngiti man lang?

Hindi naman ito siguro maskara o show-off lang nitong mamang ito na sa tuwina’y palaging lukot ang mukha.

Minsan tuloy na sa halip na kausapin mo ang opisyal na ito ay magdadalawang isip ka kung tutuloy mo pa ba o huwag na lang.

Para bang sa tuwing lalapitan mo ito ay palaging hihingan siya ng pabor kung kaya’t meron ka man hihingin ay huwag na lang.

Alam mo sir libong muscle ng mukha mo ang ang guma-galaw at nalulukot kung ikaw ay sisimangot samantalang ilan daan muscle lang ng mukha mo ang gagalaw kung ikaw ay ngingiti he… he… he…

Alam niyo ba na para maging public-friendly ka o maski na environment-friendly ay smile lang o pagngiti ang sekreto, di po ba?

Papaano kayong lalapitan ng mga tao na may dapat sanang sabihin o i-relate sa inyo kung nakasimangot kayo. Smile and the world smiles with you.

Dapat nga sana ay nakangiti pa rin kayo maski na galit na galit na kayo dahil lumalakas ang control niyo dito at siguradong makakaiwas kayo sa anumang bagay na maka-kasana sa inyo.

Meron namang ibang nag-sasabi na baka daw palaging nakasimangot itong si commander ay dahil daw maraming asawng pinapakisamahan na dapat ay isa-isa lang o one at a time.

Pero opk lang naman sir, pare-pareho lang naman tayong lalaki pero dapat be a good provider dahil iyan lang naman ang tanging dahilan para ireklamo ka ng iba.

Sa puntong ito ay nananawagan kami kay MPD DISTRICT DIRECTOR GEN. PACO FRANCISCO na sana naman ay pagsabihan niya ang kanyang kapulisan na ngumiti naman kahit minsan dahil nakaka-boost din ito ng moral.

At saka kapag palaging nakasimangot, matic na madaling uminit ang ulo ng sinuman at ito ang kadalasan pinag-uumpisahan ng gulo ma maaaring humantong sa barilan, tama po ba?
PINAS BAGAMA’T NASA LOW-RISK
NA, ‘DI PA RIN NAGLULUWAG
SA MGA HEALTH PROTOCOL…

Ang bansang Pilipinas na bagama’t nasa low-risk na sa virus dulot ng covid-19 ay di pa rin nag-luluwag sa pinapatupad na mga health protocol tulad ng ibang bansa.

Isang magandang halimbawa nito ay ang Estados Unidos na numero uno sa talaan na pinaka-maraming taong dinapuan ng covid19 sa buong mundo.

Bagama’t ganon ay nagluwag na rin sila sa kanilang mga health protocol na pinapatupad tulad ng hindi na masyadong pag-gamit ng face mask at face shield segun sa situwasyon.

Wala na rin silang mga foot-rest na nakababad ba dis-infectant sa mga entrance ng mga hotel at kung ano-ano pang establistamento.

Maliban dito ay marami na rin silang pagbabago sa kanilang kalakaran na tanda lang ng pagbangon muli ng kanilang bansa lalol na sa ekonomiya at dinanas na hirap.

Maaari rin naman na isa silang lehitimong mayamang bansa na kung saan bakunado ng lahat ang kanilang mamamayan kung kaya’t ganon na lamang ang pagluluwag nila sa lahat ng aspeto.

Kumpara sa Pinas, sana naman ay maski na pakonti-konti lang at huwag naman biglain ay magluwag na rin para makakita man lang ng konting liwanag ang mga pinoy hinggil sa pagbabago at pag-asenso maski na papaano.

Sa kasalukuyan ay 12 milyon na daw ang bakunado sa ating bansa at still going on. Harinawa’y makumpleto na rin natin ang kinakailangan para sa ating pagbangon.

The post Detachmet commander na palaging nakasimangot appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Detachmet commander na palaging nakasimangot Detachmet commander na palaging nakasimangot Reviewed by misfitgympal on Hulyo 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.