Daan-daang mga out-of-school youth at mga nawalan ng trabaho sa Tagbilaran City, Bohol ang pinadalhan ng asiste ni Senator Christopher “Bong” Go nitong July 2, bilang bahagi ng kaniyang pagtulong na makabangon ang iba’t ibang sektor mula sa epektong dinulot ng pandemic sa kani-kanilang mga pangkabuhayan.
Ang mga staff ni Go ang nangasiwa ng pamamahagi sa Brgy. Dao Gym na grinupo sa mas maliit na bilang ang may 194 na mga benepisaryo bilang pagsunod sa ipinaiiral na safety at health protocols. Mga pagkain, masks, face shields at vitamins ang ipinamahagi sa mga benepisaryo.
Ilan sa mga benepisaryo ay nabigyan ng bagong pares ng sapatos at bisekleta naman ang ilan sa mga ito. Namahagi rin ng computer tablets sa ilang mga kabataan o sa mga anak ng mga benepisaryo para sa pag-aaral.
Ang Department of Social Welfare and Development ay nagkaloob din ng financial assistance at ang Department of Labor ang Employment ay umasiste rin sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers program.
Nagsagawa naman ng assessment ang Department of Trade and Industry at ang Technical Education and Skills Development Authority para sa mapagkakalooban ng mga pangkabuhayan at skills training programs.
Sa video message ni Go ay ipinunto nito ang kahalagahan ng pagpapabakuna kasunod ang panghihikayat nito na makipagpartisipa ang mga Filipino sa vaccination program.
“Importante po ang target natin, makamit natin ang herd immunity ngayong taong ito. Iyan po ang kailangan para unti-unti na tayong makabalik sa normal na pamumuhay at sumigla muli ang ating ekonomiya,” pahayag ni Go.
Sa panayam sa isa sa mga TUPAD beneficiary na si Efren Bustamante ay handa na umano siyang magpabakuna kapag siya ay ma-iskedyul at naikuwento rin nito ang hirap na kanilang dinadanas ngayong pandemya.
“Hirap, wala ng ibang pagkakakitaan kundi dagat na lang. Kakain ng tatlong beses sa isang araw pero ngayon dalawa na lang. Magpapabakuna ako pero hindi pa dumarating sa amin.Nagpapasalamat ako sa national agencies, kay Senador Bong Go, kay Presidente Duterte, DSWD at DTI… Nagpapasalamat ako sa kanila dahil binigyan kami ng ganitong TUPAD, ipambibili ng bigas, ulam at gastusin sa bahay,” pahayag ni Bustamante
Si Go na siyang Chairman ng Senate Committee on Health ay nagpahayag sa mga benepisaryo na maaaring magtungo ang mga ito sa Governor Celestino Gallares Memorial Hospital, Tagbilaran City at sa Don Emilio del Valle Memorial Hospital sa Ubay, Bohol na siyang kinaroroonan ng Malasakit Centers para sa kanilang pagpapagamot at pagpapaasiste sa kanilang medical expenses.
Bilang pagtiyak sa health services ay inakdaan at inisponsoran ni Go ang Republic Act No. 11463, o ang Malasakit Centers Act of 2019. Mula nang mailunsad ang unang Malasakit Center noong 2018 ay mayroon na ngayong 125 Malasakit Centers ang nagseserbisyo na sa mahigit 2 milyong Filipino sa buong bansa.
Pinasalamatan at kinilala ni Go ang pagsusumigasig ng local government officials na patuloy sa pag-asiste sa kanilang mga komunidad ngayong panahon ng krisis na ilan sa mga binanggit nito ay sina Representative Edgar Chatto, Governor Arthur Yap, Vice Governor Rene Relampagos, Mayor Baba Yap, Vice Mayor Toto Veloso, at maraming iba pa.
Inihayag din ni Go na patuloy aniya siyang susuporta sa mga proyekto ng Tagbilaran City para sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga Boholano na kabilang dito ang pagpapatayo at renobasyon ng multi-purpose building at Cogon Public Market, pagpapatayo ng Regional Cultural Hub at iba pa.
“Magtiwala lang ho kayo sa gobyerno. Kami po ni Pangulong Duterte, ginagawa po namin ang lahat sa abot ng aming makakaya upang malampasan po natin itong krisis na ating kinakaharap sa ngayon,” pagpupunto ni Go.
The post TAGBILARAN CITY INAYUDAHAN NI GO appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: