UMAASA si Senador Christopher “Bong” Go na magkakaayos din sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Manny Pacquiao matapos ang isyu ng korapsyon sa gobyerno.
Sinabi ni Go na pare-pareho rin naman ang kagustuhan nilang labanan ang korapsyon at pareho silang mga Mindanaoan.
Ayon kay Go, dati na nilang panawagan ni Pangulong Duterte na isumbong kung may nalalamang korapsyon sa gobyerno basta mayroong ebidensiya.
Nilinaw ni Go na nais niyang maging patas sa mga nagtatrabaho sa gobyerno na gusto lang namang magserbisyo sa bayan.
Giit ni Go, dapat bigyan ng pagkakataon ang mga tao sa gobyerno na patunayang hindi lahat ay may ginagawang kalokohan.
Samantala, tiniyak ni Go na suportado pa rin nila ni Pangulong Dutertre si Paquiao sa kanyang nalalapit na laban kontra kay Errol Spence Jr., sa darating na Agosto 21 sa Las Vegas.
Dagdag ni Go, hangad nila ang tagumpay ni Pacquiao dahil Pilipino pa rin ito at malaking karangalan sa bansa ang kanyang panalo.
Matatandaang nagkaroon ng fall-out sa pagitan nina Pangulong Duterte at Pacquiao matapos ihayag ng senador na mas malala ang korapsyon sa kasalukuyang administrasyon. (Mylene Alfonso)
The post Sen. Go umaasang magkakaayos sina Pangulong Duterte at Sen. Pacquiao appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: