Executive order no. 13 ng Pangulong Duterte at “marching order” ng DILG, wa epek sa Oriental Mindoro?
BINABAGYO tayo ng reklamo matapos nating isiwalat ang lantarang operasyon ng “jueteng” na nagkukubli sa Peryahan ng Bayan (PnB) ng Global Tech sa Oriental Mindoro.
Ayon sa source sina alyas John at Jun ang namamahala ng PnB cum jueteng ng Global Tech na diumanoy nagkaroon ng magandang USAPAN sa pagitan sa TATLONG ahensiya ng GOBYERNO na nangangalaga sa “peace and order” na sumusupil sa lahat ng uri ng iligal sa naturang lalawigan.
Ito ay kinabibilangan umano ng Provincial Government ng Oriental Mindoro, National Bureau of Investigation-MIMAROPA (NBI-MIMAROPA) at Police Regional Office MIMAROPA.
Ang mga ito umano ay pinamumunuan nina Governor Humerlito “Bonz” Dolor, NBI-4B Regional Director Rommel J. Vallejo at PRO-4B Regional Director PBGen Nelson Bondoc.
Ayon sa reklamo, sinasabing binalewala diumano ng mga nabanggit na opisyal ang Executive Order No.13 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte maging ang ‘Marching Order’ nina DILG Secretary Eduardo Año at PNP chief, Guillermo Eleazar na nagbabawal sa lahat ng opisyal ng gobyerno at kapulisan na tumanggap ng pabor (PAYOLA) mula sa mga gambling operator/Lord.
Dagdag pa ng mga nagpaabot ng reklamo sa BALYADOR, wala umanong sira ulong nilalang ang maniniwalang walang ”PAKISAMA” na nakukuha dito ang mga NAKAUPONG opisyal sa nabanggit na probinsiya o rehiyon?!
Kasi nga “untouchable” umano ang pamamayagpag ng operasyon ng Jueteng kahit nasa gitna ng pandemya ang bansa ay hindi raw ito ni minsan napahinto simula ng mag-operate ito noong June 19, 2019.
Anila, kinokondena nila ang presensiya ng lantarang pagpapataya ng mga kubrador ng Jueteng na may dalawang bola sa isang araw isa sa umaga at gabi.
Sinasabing hindi umano kinonsidera ng mga nabanggit na opisyal ang kapakanan ng mga mamamayan na nagugutom nawalan ng trabaho at pangakabuhayan dulot ng COVID-19 pandemic bagkos itinutulak sa bisyo sa pagtataya sa Jueteng ang pera na dapat pambili na lang ng bigas.
Napakaunlad at progresibong pamamayanan ang nasabing lalawigan kung kaya’t hindi katanggap-tanggap sa sektor ng simbahang Katoliko ang naging pagkupkop umano nina Gob Dolor, Gen. Bondoc at NBI-4B Director Vallejo sa mga Jueteng operator sa kanilang hurisdiksyon na sinasabing isa itong “dereliction of duty at gross misconduct” dahil sa pagpapabaya at pagbibigay umano ng proteksyon sa mga gambling lord.
Dagdag pa ng source, kung aaksyon dito ang DILG at PNP, ang mga Mayors, Barangay Captain, Police Regional Office at Provincial Police Office ang unahing patawan ng parusa dahil sa diumanoy pangungunsinti umano sa lantarang operasyon ng iligal na Jueteng na may numero mula 1-40 na binibola sa pamamagitan ng Holen.
‘Yan ay kung tatalima sila sa Executive Order No.13 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at sa “marching Order” nina DILG Sec Eduardo Año at PNP Chief, General Guillermo Eleazar.
Pero kung magsawalangkibo sina Año at Eleazar at sasalungat sa ipinagkaloob na tiwala sa kanila ng mahal na Pangulong Rodrigo Duterte, wala na tayong magagawa!
Samantala, gaano katotoo na umaabot daw ang “pakikisama” hanggang sa tanggapan mismo ng Office of the Governor, ang sinasabing masaganang daloy ng ‘PAYOLA’ mula sa mga Jueteng operator/Lord sa Oriental Mindoro?!
Infairness naman kay Governor Bonz Dolor kilala nating matino ang mamang ito na ayon sa survey TOP 1 BEST PERFORMING GOVERNOR IN MIMAROPA at TOP 6 BEST PERFORMING GOVERNOR IN THE PHILIPPINES, pero nakapagtataka lang ang kanyang KATAHIMIKAN samantalang galit na galit ito noon sa operasyon ng STL cum Jueteng noong Vice Governor pa lamang ito kung saan isa ito sa mga tumutuligsa o kumukontra sa Jueteng?
Ang operasyon ng kontrobersyal na Global Tech sa Oriental Mindoro ay nasa ilalim ng pamamahala o supervision ng isang alyas “Chito” na diumanoy kapatid ng isang maingay at mabusising party list Representative.
Kaya raw hindi makanti-kanti ng House Comittees on Games and Amusement and on Good Government and Public Accountability ang pa-jueteng ng Global Tech ay nangingilag ang mga itong masagasaan ang interes ng kanilang katotong kongresistang protektor na kaututang dila ng isang mataas na opisyal ng kapitolyo?
Subaybayan natin!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!
The post Executive order no. 13 ng Pangulong Duterte at “marching order” ng DILG, wa epek sa Oriental Mindoro? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: