Facebook

Kung gusto may paraan pag ayaw maraming dahilan road dike sa Marikina tutol nga ba si Mayor Marcy? at seguridad sa Kongreso inilatag…

TAG-ULAN na naman ang dating masarap na tulog ng mga Marikenyo lalo na ang mga naninirahan sa mababang bawagi ng Siyudad ay bantulot na naman dahil sa banta ng muling pag-apaw ng ilog at rumagasa sa kanilang tahanan hindi lang ga- beywang kundi lampas bahay pa.

Kaya marami ang nagtatanong kung ano na ang nangyari sa sinasabing kasagutan sa kinatatakutang pagbaha na ang solusyon ay ang “Road Mega Dike” na proyekto ni Marikina 1st District Congressman Bayani BF Fernando.

Nakakuha ng impormasyon ang USAPANG HAUZ na hinarang umano ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang nasabing proyekto ni Cong. Fernando at tuluyan ng hindi ipinagpatuloy dahil sa maraming dahilan.

Unang dahilan sakaling matuloy ang road mega dike ay mawawala ang jogging lane, haharang daw sa tubig, maging ang mga taniman ng mga maggugulay ay wife out, pati ang mga punong kahoy ay magpuputol.

Ang pinakamatindi ay ang pagtutol di umano ni mayor Teodoro sa 20,000 nitso na nakapaloob sa gagawing Mega Dike na aabot sa 5.1 kilometro ang haba na siyang kasagutan sa kakapusan ng paglilibingan ng mga Marikenyo.

Pinaliwanag ni Fernando na ang sinasabing mawawala ang jogging lane ay malaking kasinungalingan sa halip ay magkaroon pa ito ng karagdagang bubong na masisilungan, pinagisipan munang maige ang proyekto sa katunayan ay batid ng DPWH kung gaano kalapad at kataas ang road dike na siyang susi sa problema ng siyudad sa pagbaha.

Sinasabi mga ka USAPANG HAUZ na ang Provident Village ay nakilala hindi sa angkin nitong ganda kundi sa sinapit ng mga residente ruon ng manalasa ang bagyong Ondoy pati na rin ang super typhoon Ulysses, idinesenyo ang dike upang pangharang sa pagpasok ng tubig baha sa subdivision na magbebenipisyo rin ang karatig nitong Barangay hindi lang ang Brgy. Tanong.

Siniguro rin na matibay at walang dapat ipangamba ang mamamayan ng Marikina sa 20k na nitso dahil hindi ito nakabaon sa lupa sa halip ay selyadong buong buhos ng konkreto bago ito paglibingan at may hustong lakaran upang marating agad ang puntod sa pamamagitan ng palakad, bisikleta, kotse, bus at maging bangka.

Ang lahat ng mga proyektong nakapaloob sa road dike ay hindi pinayagan sa halip ay nagpahayag si mayor Teodoro ng kanyang kagustuhan tulad ng balewalain ang paglalagay ng 20k nitso kabilang pa ang pagbabawas sa lapad at taas ng dike at marami pang iba.

Ang lahat ng kagustuhan ng Alkalde ay nasunod subalit ayaw pa rin nitong pasimulan ang proyekto bakit?

Marami ang nagsasabi na napakaganda ng proyekto bukod kina Fernando at maging ang DPWH NCR Director Engr. Eric Ayapana subalit hindi matuloy tuloy sa sinasabing pagtutol ng mayor ng siyudad kahit ito ay may nakalaan ng pondo mula sa National Goverment na tumataginting na 800 Million na nakapasa na rin ang proyekto sa kongreso.

Marami tuloy ang nagsasabi na napakabait ng mga Marikenyo dahil pinapayagan nilang hindi umusad ang proyektong tatapos sa problema ng pagbaha at sayang ang inilaang 800 milyong piso na babalik lang sa kaban ng bayan na hindi napakinabangan, may suhestiyon ang taong bayan bukas ang tanggapan ng Ombudsman, kaya ang kasabihan “Kung Gusto may Paraan kung Ayaw maraming Dahilan”.

***

Tiniyak ni House Speaker Lord Alan Velasco ang seguridad ng mga dadalo sa ika anim at huling SONA ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte kasi nakipag-pulong na ito sa mga boss ng AFP, PNP at PSG.

Naglatag ng ” Very Stringent” protocols ang house Sergeant at Arms Police Major General Ma O Aplasca upang tiyakin ang seguridad hindi lang ng Pangulo kundi lahat ng bisita, may binanggit ang house Sergeant at Arms na ipapatupad nila ang No ID No Entry policy kabilang na rin ang No Car Pass No Entry. Very Good.

***

Anumang Reaksiyon Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt sa # 0935-2916036

The post Kung gusto may paraan pag ayaw maraming dahilan road dike sa Marikina tutol nga ba si Mayor Marcy? at seguridad sa Kongreso inilatag… appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kung gusto may paraan pag ayaw maraming dahilan road dike sa Marikina tutol nga ba si Mayor Marcy? at seguridad sa Kongreso inilatag… Kung gusto may paraan pag ayaw maraming dahilan road dike sa Marikina tutol nga ba si Mayor Marcy? at seguridad sa Kongreso inilatag… Reviewed by misfitgympal on Hulyo 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.