Facebook

Walang atrasan

HINDI basta makakatiwalag ang Filipinas bilang kasaping bansa na nagtatag sa International Criminal Law (ICC) sa ilalim ng Rome Statute. Sapagkat niratipika ng Senado ang Rome Statute, kailangan rin bawiin ng Senado ang ratipikasyon sa tratado bago maging totoo ang pagtiwalag na inumpisahan ni Rodrigo Duterte sa tratado. Ito ang opinyon ng Korte Suprema sa mga petisyon na kumukuwestiyon sa hakbang ni Duterte na tumiwalag sa Rome Statute.

Ang Rome Statute ang tratado na bumuo sa ICC bilang pandaigdigang hukuman sa mga asunto kontra mga lider ng mga bansa na umabuso sa kanilang poder. Nililitis ng ICC ang mga sakdal tulad ng genocide (pagpuksa sa isang lipi o lahi), crime of aggression kasama ang deportation, war crimes, crimes against humanity (pagpuksa mga sibilyan) at iba pa. Binuo ang ICC noong 2003 matapos aprubahan ito ng mahigit 120 bansa.

Matapos ang masusing pag-aaral ng naging papel ng ICC sa international community, isinampa ni Sonny Trillanes at Gary Alejano ang makasaysayang sakdal na crimes against humanity laban kay Rodrigo Duterte at kasama tulad ni Bato dela Rosa, Jose Calida, Vitaliano Aguirre, Richard Gordon, Alan Peter Cayetano, at iba pa. Naghabla ang dalawang dating sundalo at mambabatas noong 2017 , o sa panahon na may malawakang patayan ng mga taong pinaghinaalang sangkot sa paggamit at pagtutulak ng ilegal na droga.

Nilibak at pinagtawanan si Sonny Trillanes at Gary Alejano sa kanilang naiibang sakdal. Walang mangyayari diyan, ayon sa mga kasama sa naghaharing koalisyon ni Duterte. Kinabahan ang mga kasama sa oposisyon. Wala silang nakuhang suporta sa mga lider oposisyon maliban sa moral support ni Leila de Lima na ikinulong ni Duterte, Calida, at Aguirre. Dumistansiya si Bise President Leni Robredo, kahit abugada siya. Natakot at dumistansiya ang ibang lider oposisyon.

Nang nakita at naramdaman ni Duterte na kumikilos ang asunto na inumpisahan ni Trillanes at Alejano, iniutos niya noong 2019 ang pagtiwalag ng Filipinas sa ICC. Ipinayo umano ang pagtiwalag ni Herminio Roque Jr., alyas Harry Roque. Kinikilala si Harry Roque bilang expert umano sa international law, ngunit sikat rin siya na isang pipitsuging abugado na walang ipinanalong kaso sa hukuman. Umasa si Duterte at mga kasabwat na titigil ang pagsulong ng asunto laban sa kanila, ngunit kabaligtaran ang nangyari.

Noong ika-14 ng Hunyo, o isang araw bago nagretiro si Fatou Bensouda bilang Chief prosecutor ng ICC, bumaba ang Final Report ng Office of the Prosecutor na nagrerekomenda ng pormal imbestigasyon sa kaso ni Duterte at mga kasabwat dahil sa may batayan na iniutos niya ang mga maramihang patayan. Naging kontrobersiyal ang isyu ng pagtiwalag ng Filipinas sa ICC at dahil dito, kinuwestiyon ito sa Korte Suprema ng mga pribadong organisasyon at mamamayan ang pagtiwalag na ginawa ni Duterte. Kasama sa kanila ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) at Philippine Coalition on International Criminal Court.

May karapatan ang nakaupong pangulo sa pagtiwalag sa mga pandaigdigang kasunduan, ayon sa Korte Suprema, lalo na kapag nakita niya ang mga ito na kontra sa Saligang Batas. Ngunit hindi basta makakatiwalag sa isang kasunduan na aprubado ng Kongreso, o ratipikasyon ng Senado, ayon sa ponencia ni Associate Justice Marvic Leonen.

Samakatuwid, mukhang tuloy-tuloy ang pag-usig ng ICC kay Duterte at mga kasabwat sa patayan. Hindi basta makakatakbo si Duterte at mga kasapakat sa malaking sabwatan sa digmaan kontra sa mahihirap. Magiging abala si Duterte at mga kasama sa panahon ng kampanya sa halalan. Hindi kami magtaka kung maglabas ng arrest warrant ang ICC at iutos ang pag-aresto sa kanila. Hindi sila makakapalag maliban kung hihingi sila ng asylum sa China na hindi kasapi sa ICC.

***

NAPAKINGGAN namin ang panayam noong Martes kay Bise Presidente Leni Robredo at isa kami sa mga hindi kumbinsido na tatakbo siya sa pagka-pangulo sa 2022. Walang matibay na batayan upang sabihin na handa siyang makipagtunggali sa panguluhan sa 2022. Hindi lang niya masabi ng tahasan sa mga panatikong tagasuporta na hindi siya tatakbo.

Base sa kanilang social media offensive matapos ng panayam, labis na umaasa ang panatikong tagahanga, o iyong tinawag namin na lenitic. Kabi-kabila ang mga papuri sa kanya kahit walang sinabi na masasabing balita. Kahit na umiwas sa mga tanong na magdidiin sa kanya upang magsabi o magpahiwatig na tatakbo sa 2022.

Mas makakatulong ang mga lenitic sa kanilang idolo kung hahayaan na magsalita at ipaliwanag kung bakit siya tatakbo o hindi sa 2022. Matatapos ang suliranin ni Leni kung magiging matapat siya sa sarili at magsasabi na hindi o tatakbo siya sa pagka-pangulo. Ilabas na niya ang totoong baraha. Hindi siya nakakumbinse na may plano o programa sa pagtakbo sa 2022.

Tama ang teyoryang kahit magdesisyon si Leni na tumakbo at makipagtunggali sa halalan sa 2022, mahihirapan siyang manalo. Masyadong huli na para sumali. Nakapaghanda na ang mga mga kalaban at mahihirapan siyang humabol. Ang mga lenitic lang na hindi marunong tumanggap ng opinyon ng iba ang naniniwala na kapag nagdidisyon si Leni sa oras na gusto niya ay mananalo siya. Puro emosyon ang basehan ng kanilang mababaw na pananaw.

Sa mga susunod na araw at linggo, hindi na pag-uusapan si Leni lalo na kung mananatili siya na walang desisyon.

***

MAY maikling sanaysay si CJ Meilou Sereno kung paano kontrahin ang kademonyohan:

HOW DO WE FIGHT?

First, realize that the devil, and the world that listens to him, thrives on fear. Kapag nakita mo na propagating fear ang dominant agenda, alam mo na. Layuan sila at hanapin ang mga grupong nagpo-promote ng good at trust in God!

Second, reject all mind conditioning. Shallow survey results that do not explain the “why’s” even if conducted in good faith, can make idealistic people feel defeated. Rather, believe in what God wants for our country and fight for it — for us to rise above all ideas that oppose who we are supposed to be: the Sovereign Filipino People.

Third, i-raise (isumbong) kay Lord lahat ng blasphemy at kabastusan and invoke God’s promise to cast down evil and arrogance, so that good will triumph. Do not be afraid to do this even collectively.
Fourth, praise and thank God unceasingly. We have a mighty God who will fight for us; thank Him in advance for the promises He will fulfill in our midst. Remember, a just God will not allow injustice to triumph. Everything always ends up in God having the final say!

***

Email:bootsfra@yahoo.com

The post Walang atrasan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Walang atrasan Walang atrasan Reviewed by misfitgympal on Hulyo 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.