Facebook

Pangarap ni Yorme Isko: Mas maunlad, mas malinis, mas mapayapang Maynila

PINAGSIKAPAN ng mabuti ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na mailatag ang mga proyekto at programa upang malinis, mapaunlad at maging mapayapa ang pangunahing siyudad ng bansa.

“Ginawa ko ang higit sa aking makakaya upang maibalik ang dating dangal at ganda ng Maynila,” sabi ng alkalde sa kanyang State of the City Address kamakailan.

Sinabi pa ni Yorme Isko na wala siyang pinagsisihan sa mga ginawa niyang hakbang upang malinis at malutas ang maraming problema ng lungsod.

“I don’t have any regrets in what I have entered to. Even though there are so many problems, I will face all of it. This is my promise to Manila and this is where Manila’s future lies.”

Kitang-kita naman ng mga Batang Maynila ang ginawang pagsisikap ni Isko na mabago ang kalakaran sa siyudad, at ayusin ang maraming problemang minana niya sa mga nakaraang administrasyon.

***

Kitang-kita ang mga pagbabagong ginawa ni Yorme Isko, at hinarap ang nakatambak na problema – na buong-buo ang loob sapagkat, aniya,” kayo po kasi ang aking kasama, kayo po kasi ang aking inspirasyon kaya ating ibabangon, pagagandahin, lilinisin ng todo at gagawing mapayapa ang Maynila.”

Sa mga unang linggo ni Yorme bilang mayor, ipinakita niya na agad na talagang kanyang lilinisin ang Maynila.

Nakikita ang alkalde, siya mismo ay nakikitang naglilinis at nagta-traffic sa gitna ng kalsada; pinangasiwaan niya ang pagpapaalis sa illegal sidewalk vendors, at inayos niya ang mga ito para makapaghanapbuhay nang walang mangongotong na pulis at taga-city hall.

Inayos at nilinis niya ang drainage system ng lungsod.

Dinisiplina niya ang mga pulis; inayos ang mga terminal ng public transport sa siyudad, at binago ang pamamalakad sa city hall para mabawasan ang katiwalian at maitaas ang moral ng mga kawani ng lungsod.

***

Unti-unti, nakikita na ni Yorme Isko ang magagandang bunga ng pagsisikap niya na baguhin ang siyudad at ibalik ang dangal at ganda nito.

Kaysama ang reputasyon ng Manila Police, pero kamakailan, tumanggap ng papuri ang Manila Police Department na tumanggap pa ng karangalan mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sabi ni Yorme Isko, walang paggalaw at pag-unlad ang kabuhayan kung ang isang lungsod ay nililigalig ng kriminalidad at kawalan ng kaayusan at katahimikan.

Sa pagdisiplina at pagbabagong ginawa niya sa MPD, malaki na ang nabawas sa kriminalidad.

“… Through our Manila’s Finest, crime will be lessened. All crimes committed in the city will be punished. This is not a threat. So criminals are not welcome here,” pahayag ng alkalde.

Aminado si Yorme Isko: kakaunti pa ang pagbabagong nagagawa sa siyudad, pero malaki ang tiwala niya, sa tulong ng lahat ng mamamayan, ang anomang balakid at malaking problema ay magiging magaan dahil sa pakikiisa sa kanyang mga proyekto at programa.

Obserbasayon ng maraming Batang Maynila: “Hindi po magtatagumpay si Yorme Isko sa pagbabagong-bihis ng Maynila kung hindi makikiisa ang mga mamamayan nito. Kaya naman para maging posible at mas mabilis ang pag-unlad ng ating kabiserang lungsod, nawa ay makibahagi ang lahat sa pagsasaayos at pagpapaganda ng Maynila.”

Malaki ang iniaambag ng Manila City Council sa mabilis na pagbabago ng Maynila, at ito ay sa tulong ni Manila City Vice Mayor Dra. Maria Sheilah “Honey Lacuna” Pangan at ng buong konseho.

Ang antuking siyudad ay naging napakasigla dahil sa pagsusumikap at pagtatrabaho ng todo ni Yorme Isko.

Sa maraming bagong proyekto sa Maynila, ipinagmamalaki ni Isko na hindi gumastos ng kahit isang sentimo ang pamahalaang lungsod.

***

Wala nang iba pang nais si Yorme Isko kungdi ang matupad ang kanyang (mga) pangarap sa Maynila.

Ito ang ibalik ang ganda, ang dangal at kaluwalhatian ng Maynila.

“Ito ang pamanang nais kong ibigay at iwanan (sa Maynila).”

Manila, God first!

***

DAPAT na sigurong i-restructure ang Intramuros Administration (IA) dahil hindi na ito nakatutugon sa tungkulin at gawaing na dahilan ng pagkalikha rito.

Opo mga masugid na tagasubaybay, hindi nagagawa ng kasalukuyang pamunuan ng IA ang tungkulin nito na payamanin at pangalagaan ang mga istruktura at destinasyon ng turismo sa Maynila.

Kinakailangan na marahil na magharap ng panukalang batas na gawin ex-officio chairman ng Intramuros Administration ang alkalde ng Maynila.

Nilikha po ang IA noong 1979 sa bisa ng Preidential Decree 1616 ni dating President Ferdinand Marcos , pero nakalulungkot na hindi natutugunan ng kasalukuyang pamunuan ang kanilang trabaho na pangalagaan at pagandahin ang Intramuros.

Nabubulok na ang Intramuros, at dapat na itong baguhin upang mailigtas sa tiyak na kamatayan.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.

The post Pangarap ni Yorme Isko: Mas maunlad, mas malinis, mas mapayapang Maynila appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pangarap ni Yorme Isko: Mas maunlad, mas malinis, mas mapayapang Maynila Pangarap ni Yorme Isko: Mas maunlad, mas malinis, mas mapayapang Maynila Reviewed by misfitgympal on Hulyo 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.