MATAGAL nang punong lalawigan si Gobernadora Rebecca “Nini” Ynares sa Rizal.
Ang totoo, matagal nang kontrolado ng pamilya Ynares ang Rizal.
Hindi ko na mabilang dahil sa sobrang haba ng panunungkulan ng mga Ynares sa Rizal.
Mula sa asawa ni Nini na si Casimiro, o Ito, at anak nilang si Casimiro Jr., o Jun-jun, hanggang sa kanya.
Sa panahong ‘yan, hindi nawala ang iba’t ibang klaseng sugal tulad ng jueteng, tupad (iligal na sabong ng mga manok), bookies ng samu’t saring pasugal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at mga tinatawag na sugal – lupa na nakapuwesto sa mga mataong pamayanan.
Sa kasalukuyan, umiiral ang mga nasabing iligal na mga sugal sa iba’t ibang bahagi ng Rizal.
Sa ngqyon, hindi natitigil ang tupada kahit malinaw pa sa sikat ng araw ang direktiba ng hepe ng Philippine National Police (PNP) na si General Guillermo Lorenzo Eleazar na tiyakin ng hepe ng pulisya sa mga lalawigan, lungsod at bayan na walang tupada.
Ngunit, tila balewala kay Colonel Joseph Arguelles ang direktiba ni General Eleazar dahil talamak pa rin ang tupada sa maraming panig ng Rizal.
Pokaragat na ‘yan!
Hindi kaya, mahilig sa sabong si Colonel Arguelles?
Sabi sa akin ng ilang kakilala sa Antipolo, Montalban at Taytay, maraming pulis ang napakahilig sa sabong.
Pokaragat na ‘yan!
Sana, sana, hindi mahilig sa sabong si PD Arguelles dahil kung mahilig at nagsasabong siya ay wala tayong dapat ipagtaka at ipagduda kung bakit hindi siya kumikilos laban sa tupada.
Maliban sa tupad, napakatalamak at garapal sa Rizal sa kasalukuyan ang jueteng operation ng gambling lord na si alyas “Renel”.
Ang pajueteng ni alyas Renel ay umaabot hanggang sa Pililla, Rizal.
Pokaragat ba ‘yan!
Ayon sa sources, tatlong beses ang bola ng jueteng sa Rizal tulad ng ginagawa sa jueteng din ni alyas Renel sa Lungsod ng Caloocan.
Sa kabila ng lantaran at garapalan ang jueteng ni alyas Renel ay walang agresibong aksyon si Arguelles.
Wala rin akong nabalitaang kinulit ni Gobernadora Nini Ynares si Arguelles na patigilin ang jueteng at tupada sa Rizal dahil sa matinding atake at pananalasa ng corona virus – 2019 (COVID – 19) sa Rizal.
Pokaragat na ‘yan!
Hindi ba’t kasama ang Rizal sa NCR Plus (National Capital Region, Rizal, Laguna, Cavite at Bulacan) na pawang masahol ang mga kaso ng nasabing COVID – 19?
Kung mayroon pang natitirang malasakit si Gobernadora Ynares sa mamamayan ng Rizal, utusan at pakilusin niya si PD Arguelles.
Kung hindi kikilos si Arguelles, hilingin niya kay Brigadier General Eliseo DC Cruz na tanggalin sa puwesto si Arguelles.
Marami namang mahuhusay na colonel na puwedeng ipalit kay Arguelles.
Tama po ba BG Cruz?
Si Cruz ay kapupuwesto nitong Mayo bilang direktor ng PNP – Calabarzon (Region 4 – A).
Si RD Cruz na dating direktor ng Southern Police District (SPD) ay ‘bata’ ni Eleazar.
Samakatuwid, pinagkakatiwalaan ni Eleazar si Cruz.
Kaya, huwag magdalawang isip si Gobernadora Ynares na gumawa ng mapagpasyang hakbang upang agresibong kumilos si Colonel Joseph Arguelles laban sa mga iligalidad sa Rizal, partikular na sa tupada at jueteng ni alyas Renel.
The post GOB. NINI RODRIGUEZ, TAHIMIK SA ILIGALIDAD SA RIZAL appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: